Balita

Make-or-break bid para kay Colonia

-

KUALA LUMPUR –Tatangkain ng Olympian na si Nestor Colonia na patunayan na mali ang kanyang mga kritiko sa kanyang gagawing make-or-break campaign para sa Team Philippine­s sa pagsalang niya ngayon sa men’s 56kg division ng 29th Southeast Asian Games weightlift­ing competitio­n sa MITEC Hall 11.

Ayon kay Philippine Weightlift­ing Federation (PWF) president Monico Puentevell­a, malaki ang kanilang inaasahan para sa kanilang nag-iisang atleta sakabila ng katotohann­g kagagling pa lamang nito sa operasyon sa kanyang likod.

“It’s a make-or-break campaign for us,” ani Puentevell­a na dating chairman ng Philippine Olympic Committee (POC).

“We didn’t send any athlete because they didn’t pass the criteria. On the other hand, the organizers scrapped women’s events so our best lifter, Hidilyn Diaz, isn’t competing.”

Kasama nila si Diaz, ang silver medalist sa nakaraang Rio de Janeiro Olympics,upang mag-cheer t magbigay inpirasyon sa kanyang kaibigang si Colonia na sasabak ngayong 11:00 ng umaga.

“I’m here to cheer for him,” ani Diaz, na dumating noong Linggo at sumuporta sa mga Filipino athletes na lumaban sa billiards, taekwondo at judo.

Bukod sa pagsabak sa nakaraang Olympics, nagwagi na din si Colonia ng gold medal noong 2015 Asian Championsh­ips at pumangatlo sa clean and jerk event noong 2015 World at 2016 Asian Championsh­ip.

Ayon kay Puentevell­a, maaaring sundan ni Colonia ang mga yapak ni Diaz.

“He could be like Hidilyn,”ani Puentevell­a. “But first, he has to prove that he has what it takes to bounce back and remain with the national team.”

 ??  ?? Nestor Colona
Nestor Colona

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines