Balita

Philippine women’s volleyball team pinahanga ang coach ng Thailand

- Rey Bancod

KUALA LUMPUR – Sa kabila ng dalawang sunod na pagkatalo sa kamay ng Vietnam na naging dahilan upang wala silang mapanaluna­ng anumang medalya, nakamit pa rin ng Philippine women’s volleyball team ang paghanga ng head coach ng multititle­d Thailand.

“Your team has improved tremendous­ly,” pahayag ni coach Danai Sriwachara­maytakul. “Your system is also good.”

Nasorpresa din aniya si Sriwachara­maytakul sa kanyang nakitang ilang mga skillful players sa hanay ng mga Pinay.

“Before, I only see one or two good players. Now, everyone is good,” wika nito.

Ayon pa kay Sriwachara­maytakul , kinakailan­gan ng ating koponan ng mas marami pang karanasan at mga laban sa internatio­nal scene upng umabot sa susunod na level.

Sa ikalawang pagkakaton ay natalo ang mga Filipina sa Vietnam, 25-27, 2522, 25-20, 25-21, sa laban nila para sa bronze medal noong Sabado.

Pinangunah­an nina Jaja Santiago at Alyssa Valdez ang koponan sa itinala nilang 20 at 17 puntos ayon sa pagkakasun­od.

Nagkaroon ng malaking kalamangan ang Vietnamese sa blocks department kung saan nagtala ng 14 puntos ang mga ito kumpara sa 5 lamang ng mga Pinay.

Nagawa pang magwagi ng Nationals sa dikdikang first set ngunit hindi na sila umubra sa kalaban sa sumunod na tatlong frames.

Nakatakdan­g bumalik ng bansa ang koponan ngayong araw na ito ngunit wala pang malinaw na plano kung ano ang kanilang kahihinatn­an matapos ang SEA Games.

Huling nagkampeon sa women’s volleyball competitio­n ng SEA Games ang bansa noon pang 1993.At mula doon ay nagdomina na at hanggang ngayo’y hindi pa natatalo ang Thailand.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines