Balita

Swimming team bigong tapusin ang 8-year gold medal drought

-

KUALA LUMPUR – Binigo ng Indonesian tanker na si Indra Gunawanang tangka ni FlipinoAme­rican James Deiparine na ibigay sa bansa ang una nitong swimming gold medal pagkaraan ng walong taon nang talunin nito ang huli sa finals ng men’s 50-meter breast stroke sa pagtatapos ng 29th Southeast Asian Games swimming competitio­n.

Dahil dito, nabigong wakasan ni Deiparine ang 8-year-gold SEA Games drought ng Pilipinas sa kanyang laban sa National Aquatic Center makaraang tumapos lamang na runner-up sa itinala nyang tiyempong 28.60 seconds kasunod ni Gunawan na naorasan ng 28.25 seconds.

Sa labis na panglulumo, yuko ang ulong umahon a pool ang 24-anyos na Washington State native at tumanggi nang magpaunlak ng panayam.

Ang kanyang silver medal ang ikalawa ni Deiparine kasunod ng kanyang second place finish sa men’s 100-meter back stroke noong Biyernes para maging Philippine squad’s best swimming performer sa kanyang SEA Games debut.

Si Jasmine Alkhaldi naman na hindi na lumangoy sa 100-meter butterfly finals para makapag-focus sa kanyang huling dalawang freestyle events, ay bigong magwagi ng kahit anong medalya sa women’s 200-meter at 50-meter freestyle events.

Mayroon lamang siyang bronzemeda­l sa women’s 200-meter freestyle kasunod ng Thai silver medalist na si Nathanan Junkaranja­ng, ang dahilan kung bakit nawala ang kanyang gold medal noong 2013 Myanmar Games dahil sa inireklamo­ng false start.

Sa halip na tumaas ay lalo pang bumaba ang performanc­e ng mga Philippine swimmers mula noong 2015 Singapore SEA Games kung saan sila nagwagi ng 2 silvers at 11 bronzes nang magwagi lamang sila ngayon ng 2 silvers at 5 bronzes.

Bukod dito, ang national men’s water polo squad na nagsanay pa sa Portugal at Spain para sa SEA Games ay nagtapos lamang na pang-apat sa 5-nation men’s water polo tournament na may isa lamang panalo at tatlong talo habang ang mga Filipino synchroniz­ed swimmers na ipinadala pa sa world championsh­ips sa Budapest, Hungary ay na-washout ding lahat sa limang events na kanilang sinalihan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines