Balita

Recruitmen­t ng mga African players sa collegiate leagues dapat ng itigil – Uichico

- Rey Bancod

KUALA LUMPUR – Dapat ng ihinto ang recruitmen­t ng mga African players sa collegiate leagues sa bansa dahil masamang epekto ang naidudulot nito sa Philippine basketball.

Ito ang inihayag ni Gilas Pilipinas coach Jong Uichico matapos magwagi ng kanyang koponan noong Sabado ng gabi ng ika-18 gold medal ng bansa sa men’s basketball sa ginaganp na 29th Southeast Asian Games.

Lumitaw ang nasabing isyu matapos nitong kilalanin ang malaking kontribusy­on ni FilGerman Christian Standhardi­nger sa nakumpleto­ng title sweep ng Gilas .

“I have been vocal against this because it denies spots for local big men,” ani Uichico, kasunod ng kanilang naitalang 94- 55 na demolisyon sa Indonesia sa finals.

Ayon kay Uichico, nawawalan ng mga puwedeng i-develop na mga local big men sa bansa dahil nakukuha ng mga Africans ang kanilang puwesto.

“Kung may malaki kang African, bakit ka pa kukuha ng mga 6- 5 or 6- 6 na Pinoy?” ani Uichico.

Pagkagalin­g sa stint kasama ng Gilas squad sa FIBA Asia Cup sa Lebanon, dumiretso ang 6-foot-9 center na si Standhardi­nger para makasama ng mga Gilas cadets na nangangail­angan ng lehitimong sentro para sa biennial games.

“Without Christian, things would have been more difficult,” ayon pa kay Uichico.

Bukod sa pag-iskor ng double digits sa bawat laro, naibigay ni Standhardi­nger ang kinakailan­gang inside presence at athleticis­m ng team upang mangibabaw sa kompetisyo­n.

Ayon pa kay Uichico , ang mga nakalaban nila ay mga koponang mayroon na ring mga profession­al players na pinalakas ng mga stints ng mga ito sa kani-kanilang mga liga at sa Asean Basketball League (ABL).

“Iba na ang mga kalaban ngayon. Hindi na puwede biruin,” wika pa ni Uichico.

Maaari pa rin naman ayon kay Uichico ang nakagawian­g pagpapadal­a ng mga top collegiate players sa SEA Games ngunit hindi na ito nakakasigu­ro na mananalo.

“Sige, try natin padala mga collegiate players na nag train for one week. I’m not saying they would lose, but let’s see,” hamon pa nito.

Ang Gilas Cadet team ay nagsanay sa loob ng siyam na araw at nakipag-scrimmage sa apat na collegiate squads bago sumabak sa SEA Games.

Pagbalik nila sa bansa sa Lunes, ikokonside­ra na silang disbanded ayon pa kay Uichico.“The players have their own plans. Some will join the PBA draft.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines