Balita

Nanay ng KathNiel, magbalae na ang turingan

- –Jimi Escala

MUKHANG may unawaan na sina Karla Estrada at Min Bernardo para sa mga anak nilang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Magkasundu­ng-magkasundo silang dalawa at nagsasanay na raw sa pagiging magbalae, huh!

Kuwento ng mommy ni Kathryn, very open sa kanya ang anak at walang inililihim sa kanya hinggil sa closeness nito kay Daniel.

“Sa totoo lang, laging nag-aaway ang dalawang ‘yan. So, ako ang nagpapaliw­anag sa kanila na hindi lahat ng bagay dapat pag-awayan. Dapat pinag-uusapan, so kung hindi sila nagkakaint­indihan, eh, andu’n naman ako at namamagita­n sa kanila,” sey ni Mommy Min nang maging guest sa Magandang

Buhay kaya nakaharap siyempre si Karla na isa sa mga host ng early morning program ng ABS-CBN.

Pero ayaw sagutin ni Mommy Min ang tanong kung magkasinta­han na sina Daniel at Kathryn. Pagdating daw sa bagay na ito, dapat na ang dalawa ang magkumpirm­a.

Ayon naman kay Karla, silang dalawa raw ng mommy ni Kathryn ang nagkakaint­indihan pagdating sa paghahandl­e sa dalawang pinakasika­t na young star sa Philippine entertainm­ent industry.

“Sa totoo lang, eh, wala pa ang lahat, wala pa ang mga fans nila, kami na ang nagkakaint­idihan. Kapag may problema, nagtatawag­an kami. Lahat ng bagay na ‘yan, nasa taas kami ni Ate Min, alam namin, nakikita namin,” sey ni Karla.

Madalas daw silang nag-uusap ni Mommy Min lalung-lalo na pagdating sa anumang problema ng dalawa.

“Kami naman, eh, nandtio to guide them hanggang sa dulo. Kumbaga, support talaga. And at the end of the day naman, kung ano naman ang desisyon nina Kathryn at Daniel, sila naman ang masusunod.

“Tutal, tumatanda na rin naman sila. Nandito lang kami para mag-guide talaga,” paliwanag pa ni Karla.

 ??  ??
 ??  ?? Kathryn at Min
Kathryn at Min
 ??  ?? Daniel at Karla
Daniel at Karla

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines