Balita

Manugang ni Digong, isinasabit din sa kurapsiyon

- Leonel M. Abasola at Vanne Elaine P. Terrazola

Iniugnay ni Senator Antonio Trillanes IV sa sinasabing kurapsiyon sa Bureau of Customs (BoC) ang manugang ni Pangulong Duterte na si Atty. Manases Carpio, asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Iniuugnay ng senador si Carpio sa sinasabing “Davao Group”, na una nang naugnay sa isa pang anak ng Pangulo, kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, bilang tumulong umano para maipuslit ang mga kontraband­o sa BoC.

Ayon kay Trillanes, limang beses daw na dumalaw si Carpio, pamangkin ni Ombudsman Conchita Carpio- Morales, sa tanggapan ni dating BoC Commission­er Nicanor Faeldon noong nakaraang taon.

“’ Yun ang informatio­n na nakuha ko. Sina Mans Carpio at Paolo Duterte ay nagiimpluw­ensiya sa mga Customs operations at part sila ng Davao Group, o sila ang nasa likod ng Davao Group,” sabi ni Trillanes.

“Mans, he has no business being there. Alam nila na influentia­l ‘ yung kanyang pamilya, so, hindi mo iisipin na nakikipag- ano lang ‘ yan, kuwentuhan sa showbiz o kung ano man. Talagang this confirms ‘yung informatio­n na sa Davao Group na sinasabi, eh, pati itong si Mans Carpio kasama, aside from Paolo Duterte,” paliwanag pa ni Trillanes.

Sa pagpapatul­oy kahapon ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa isyu ng P6.4-bilyon shabu shipment, kinumpirma naman ni dating Customs Intelligen­ce and Investigat­ion Service Director Neil Anthony Estrella na nakita niyang minsan na dumalaw si Carpio sa opisina ni Faeldon, bagamat hindi niya umano alam ang pinag-usapan ng dalawa.

Nilinaw din ni Estrella na hindi niya kailanman nakita sa BoC ang nakababata­ng Duterte.

“Si Atty. Mans Carpio… nakita ko na pumasyal sa Bureau of Customs but not Mr. Paolo Duterte,” sagot ni Estrella sa tanong ni Trillanes.

Itinanggi rin ni Deputy Commisione­r Gerardo Gambala na bumisita sa BoC sina Duterte at Carpio. “As for me, I don’t really know if they visited. If they indeed did, what could be the reason I would not tell that they visited the Bureau of Customs?” sabi niya kay Trillanes.

“(Ang pag-amin ni Estrella) confirms my informatio­n na hindi lamang si Paolo ang umeeksena o pumapapel dito sa operasyon ng Customs kundi maging si Mans Carpio na rin. So, family affair na ito ng pamilya Duterte,” ani Trillanes.

Kaagad namang itinanggi ni Carpio ang alegasyon ng senador, na tinawag niyang “desperate” sa pagmamalis­ya sa pagbisita niya sa BoC.

“I represent many clients who have transactio­ns with the Bureau of Customs. It is my job as a lawyer to appear before government agencies for and on behalf of my principals,” saad sa Facebook post ni Carpio kahapon. “Senator Trillanes is imputing malice in saying that my appearance before the BoC is because of smuggling. He is just a desperate rumor monger who happens to be a senator.”

Muli namang hindi nakadalo sa pagdinig si Davao City Councilor Nilo “Small” Abellera Jr., at sa halip ay nagpadala ito ng liham upang itanggi ang mga akusasyon laban sa kanya, kasabay ng pagtiyak na dadalo na siya sa mga susunod na pagdinig.

Si Abelllera ang itinuro ni Mark Taguba, customs fixer, na isa umano sa miyembro ng Davao Group na tumanggap ng P5 milyon bilang enrolment fee.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines