Balita

Ill-gotten wealth ibabalik na ng mga Marcos

‘IT’S JUST A FEW’

- Ni Genalyn D. Kabiling

Pahina 2

Makalipas ang ilang taong treasure hunt at legal battle ng gobyerno, handa na ang pamilya Marcos na ibalik sa pamahalaan ang ilang kuwestiyon­ableng yaman nito, ayon kay Pangulong Duterte.

Ayon sa Pangulo, isang tagapagsal­ita ng mga Marcos ang nagpahayag ng kahandaan ng pamilya na ibalik ang yaman, kabilang ang “few gold bars,” upang makatulong sa pondo ng gobyerno.

“The Marcoses I will not name the spokesman, sabi nila na they’ll open everything and probably return ‘yung nakita lang,” pahayag ng Pangulo sa oath-taking ceremony ng mga bagong government official sa Malacañang.

“’ We are ready to open and bring back,’ sabi niya, pati ‘yung a few gold bars. Hindi ganun kalaki. It’s not a Fort Knox, it’s just a few,” diin niya.

Sinabi ni Duterte na tatanggapi­n niya ang paliwanag ng mga Marcos tungkol sa mga kuwestiyon­ableng yaman, idinagdag na siya ay “happy” tungkol sa pagbabalik ng yaman sa gobyerno.

“I will accept the explanatio­n, whether or not it is true, wala na, eh. And they are ready to return. How much? They would give me an accounting,” aniya.

Bubuo ng isang three-man team upang pamunuan ang “negotiatio­ns” sa pamilya Marcos sa pagbabalik ng yaman, ayon sa Pangulo.

Sinabi ni Duterte na itatalaga niya ang isang dating Chief Justice, isang accountant, at isang kinatawan upang talakayin ang isyu sa pamilya Marcos.

Sa pagbabalik ng yaman, sinabi ng Pangulo na nais ng pamilya Marcos na tulungan ang gobyerno na mapagaan ang problema sa budget.

“I’m happy na we come with a clean slate, make something that is really worthwhile for the Filipinos,” aniya.

Kaugnay nito, muling binanggit ng Pangulo ang planong buwagin ang Presidenti­al Commission on Good Government ( PCGG) na responsabl­e sa pagbawi ng illgotten wealth ni dating Pangulong Marcos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines