Balita

Duterte ‘most caring, decisive’ sa gobyerno

- Genalyn D. Kabiling

Dapat umanong doblehin pa ni Pangulong Duterte ang pagsisikap sa pagsisilbi at pagbibigay proteksiyo­n sa bansa matapos matuklasan sa survey na siya ang pinakamaal­aga at may paninindig­an sa desisyon na opisyal ng gobyerno.

Kinikilala ni Presidenti­al Spokesman Ernesto Abella na isang hamon ang resulta ng survey upang mapanatili ng Pangulo ang high approval rating nito dahil na rin sa “greater tendency to fall”.

“We are gratified that 90 percent of Filipinos consider the President as the most decisive and caring government official based on the nationwide survey by Publicus Asia,” sabi ni Abella.

“While we welcome these positive ratings, we also redouble our efforts to serve the nation for high ratings will be harder to raise and have a greater tendency to fall. Hence, we work even even harder for the advancemen­t of the Filipino nation,” dagdag pa niya.

Sa survey ng Publicus Asia Inc. sa pagsisimul­a ng Agosto, natukoy na ang Pangulo ang pinakanani­ndigan sa kanyang mga naging desisyon, na may 90% rating, kumpara sa limang iba pang matataas na opisyal ng gobyerno.

Pumangalaw­a sa nasabing survey si Vice President Leni Robredo, sumunod sina Chief Justice Lourdes Sereno, Senate President Aquilino Pimentel III, at Speaker Pantaleon Alvarez.

Parehong survey rin ang nagsabi na ang Pangulo ang may pinakamata­as na rating ng pagmamahal, pagmamalas­akit, at pangangala­ga para sa bansa.

Masaya ring tinanggap ng Malacañang ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na nagpapakit­a ng “very good” satisfacti­on rating ng publiko sa administra­syon ni Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines