Balita

Aguirre, hindi bibitiw sa DOJ

- Ni JEFFREY G. DAMICOG

Hindi bababa sa puwesto si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa kabila ng mga panawagang magbitiw na siya dahil sa diumano’y halatang hindi pagiging patas sa pinaslang na Grade 11 student na si Kian Delos Santos.

Iginiit ni Aguirre na magbibitiw lamang siya kapag hiniling ni Pangulong Rodriggo Dutete.

“I serve at the pleasure of the President po, while I respect the view of everyone to express themselves freely, I will stay for as long as I enjoy the trust and confidence of the President,” aniya sa inilabas na pahayag kahapon.

Ito ang reaksiyon ng Kalihim sa panawagan ng aktibistan­g pari na si Fr. Robert Reyes na magbitiw na siya dahil sa hindi pagiging patas kay Delos Santos.

Buwelta ni Aguirre kay Reyes, ang dapat nitong tinutuguna­n ay ang mga isyung kinakahara­p ng Simbahang Katoliko at hindi ang kaso ni Delos Santos.

“I am just wondering why in the face of reports of Filipino priests molesting minors, of Filipino priests fathering children, of Filipino priests bringing minor girls to motels and those Filipino priests molesting sacristans, the good Fr. Reyes is surprising­ly silent on these serious matters involving Filipino minors,” banat ng kalihim.

Naghain ang mga magulang ni Delos Santos, sa tulong ng Public Attorney’s Office (PAO), nitong Biyernes ng kasong murder at torture sa Department of Justice ( DOJ) laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa 17-anyos na estudyante.

Gayunman, naniniwala si Reyes na hindi pa man ay hinuhusgah­an na ni Aguirre ang kaso.

Lumiham naman kahapon ang mga student leader kay Aguirre para hilingin na mag-inhibit siya sa imbestigas­yon at ilipat ang kaso sa Office of the Ombudsman dahil sa diumano’y halatang pagkiling ng Kalihim sa mga pulis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines