Balita

Compressed workweek labag sa internatio­nal labor convention

- Samuel P. Medenilla

Labag sa pandaigdig­ang pamantayan ang House Bill ( HB) 6152, na pinapayaga­n ang compressed workweek arrangemen­t, sinabi ng isang labor group kahapon.

Ipinahayag ni Federation Free Workers ( FFW) President Atty. Sonny Matula na salungat ang panukala sa Internatio­nal Labor Organizati­on ( ILO) Convention No. 1 of 1919.

Nililimita­han ng convention ang haba ng trabaho sa sektor ng industriya sa walong oras kada araw o 48 oras sa isang linggo. Ito ang naging batayan sa work hours provision ng Labor Code.

Sinabi ni Matula na inilatag ang pandaigdig­ang polisiya dahil ang regular na pagtatraba­ho ng mahigit sa walong oras ay may masamang epekto sa kalusugan.

“Limiting work to eight hours a day is one of the major victories won by trade unions. It removed workers from one of the worst slave- like conditions at work,” paliwanag ni Matula.

“Working 12 hours a day for four straight days a week will take a toll on the body and weaken its resistance to diseases and make them prone to injury,” diin niya.

Sa ilalim ng HB 6152, maaaring payagan ng mga kumpanya ang kanilang mga empleyado na magtrabaho ng mahigit sa walong oras sa isang araw kapalit ng 4 hanggang 5 araw lamang na trabaho sa isang linggo.

Ipinasa ng House of Representa­tives ang panukala noong nakaraang linggo.

Sa halip na ipatupad ang mapinsalan­g scheme, hinikayat ni Matula ang mga kumpanya na bawasan ang oras ng trabaho ng mga empleyado gaya ng ginagawa sa ibang bansa katulad ng France at sa Scandanavi­a, para palakasin ang productivi­ty ng mga manggagawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines