Balita

Australia, nag-alok ng training sa mga sundalong Pinoy vs ISIS

-

SYDNEY (AFP) – Nag-alok ang Australia kahapon na tutulong sa pagsasanay sa militar ng Pilipinas para masupil ang mga militanten­g kaalyado ng teroristan­g grupong Islamic State (ISIS) sa ilang bahagi ng bansa na labis nang nakababaha­la ang banta.

Halos tatlong buwan nang nilalabana­n ng mga puwersa ng Pilipinas ang mga militanten­g naghahasik ng karahasan sa lungsod ng Marawi sa Lanao del Sure. Ngunit nalulusuta­n ng mga militante, nagtataas ng itim na bandila ng ISIS, ang opensiba ng militar kabilang ang mga airstrike at artillery barrages.

Nagpadala na ang Australia, may malawak na defence cooperatio­n program sa Pilipinas, ng dalawang high-tech AP-3C Orion aircraft para sa surveillan­ce, at handang magkaloob ng karagdagan­g tulong.

Sinabi ni Foreign Minister Julie Bishop na kamakailan ay nakausap niya si Pangulong Rodrigo Duterte at nagpahayag ng pagnanais na mapalakas ang armas ng mga sundalong Pinoy.

‘’We would be ready to support the Philippine­s in the same way we are supporting Iraq in advising, assisting and training,’’ anang Bishop.

‘’We indicated what we have been doing in Iraq. I went through with the president in some detail the support we have given in Iraq, that does not include troops on the ground. That is advising and assisting.’’

Ang Australia ay bahagi ng coalition na lumalaban sa ISIS sa Iraq at Syria. Mayroon itong 780 sundalong nakabase sa Middle East.

Sinabi ni Bishop na ‘’deeply concerning’’ para sa buong rehiyon ng Asia na mayroong presensiya ng ISIS sa Mindanao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines