Balita

1 utas, 2 sugatan sa armadong naka-pedicab

- Martin A. Sadongdong at Bella Gamotea

Isa ang patay habang dalawang iba pa, isang hinihinala­ng drug personalit­y at isang binatilyo, ang sugatan sa pag-atake ng dalawang lalaki sa isang karinderya sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Superinten­dent Deanry Francisco, Pasay police chief investigat­or, ang napatay na si Mariafe Gabriel, 49, ng Twin Pioneer Ext., Barangay 187, Zone 16.

Habang patuloy na inoobserba­han sa ospital sina Lyka Cecillio, 26, at isang 15anyos na lalaki (walang relasyon sa kapwa niya mga biktima), na kapwa nadaplisan ng bala sa likod.

Base sa inisyal na imbestigas­yon, nakatayo sina Gabriel, Cecillio at ang binatilyo malapit sa isang tapsilogan sa Barrio Pilipino Street, Barangay 187 nang sumulpot ang mga suspek, kapwa nakasuot ng bonnet at sakay sa pedicab, at pinaulanan ng bala ang mga biktima.

Karamihan ng bala ay tumama kay Gabriel sa pagtayo niya sa harapang bahagi ng kainan, habang si Castillo at ang binatilyo ay nakatakbo sa unang pagpapaput­ok ng baril ng mga suspek.

Ayon sa mga saksi, agad umalis ang mga armado nang makitang bumulagta ang isa sa mga biktima.

Napag-alaman kay Francisco na minsan nang sumuko sa awtoridad si Cecillio sa Oplan Tokhang. Nang tanungin kung biktima si Gabriel ng mistaken identity killing, sinabi ni Francisco na posible ito ngunit kailangan munang alamin ang background ni Gabriel.

“Posible pero known drug personalit­ies sila in the community, family of pusher according sa mga barangay (officials),” pahayag ni Francisco sa Balita.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines