Balita

Umawat sa gulo ginulpi, sinaksak

- Orly L. Barcala

Nasa malubhang kalagayan ang isang negosyante matapos pagtulunga­ng gulpihin at saksakin ng tatlong lalaki na nakatalo nito sa loob ng videoke bar sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuya­ng ginagamot sa ospital si Mark Anthoy Cona, 29, ng No. 16 Nadela Street, Barangay Tangos ng nasabing lungsod, na nagtamo ng mga saksak sa katawan at mga pasa sa mukha.

Arestado ang isa sa mga suspek na si John Loyd Dingcong, 28, ng No. 242 Gov. Pascual St., Bgy. Sipac Almazen, habang tinutugis naman ang dalawa niyang kasama na kinilala sa alyas na “Ryan” at “Louie”.

Sa ulat ng pulisya, umiinom si Cona at ang kanyang kaibigan na si Lester Paco sa Mr. Dimzon Chinese Cusine, na matatagpua­n sa No. 123 Cadomiga St., Bgy. Navotas West, dakong 3:00 ng madaling araw. Nasa kabilang lamesa naman ang mga suspek at umiinom din.

Nag-request ng kanta sina Paco at Cona ngunit nang tugtugin ito, si Dingcong ang kumanta.

Tumayo umano si Cona para bayaran ang kanilang ininom habang naghihimut­ok si Paco papalabas ng videoke bar.

Napansin ni “Louie” ang nakasimgan­ot si Paco kaya kinumpront­a niya ito at inawat ni Cona.

Dito na lumusob sina Dingcong at “Ryan” at ginulpi saka sinaksak si Cona.

Nagawang makatakas, sakay sa motorsiklo, nina Ryan at Louie at naiwan si Dingcong kaya naaresto ng rumesponde­ng mga pulis.

Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated homicide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines