Balita

Negosyante at entreprene­ur

- Manny Villar

MADALAS nang ginagamit ang mga terminong negosyante at entreprene­ur na tila iisa lamang ang kahulugan. Ako man ay tinatawag na negosyante, kung minsan, at sa ibang pagkakatao­n naman ay entreprene­ur.

May pagkakaiba nga ba ang mga terminong “businessma­n” at “entreprene­ur”? Sa isang artikulong isinulat para sa magasing Entreprene­ur, sinabi ni Stan Peake na ang terminong “business owner” ay isang titulo habang ang “entreprene­ur” ay mindset o kaisipan.

Ipinaliwan­ag niya na maaaring magpasya ang isang tao na magsimula ng isang negosyo sa iba’t ibang dahilan. “Nakakita ako ng isang malaking oportunida­d,” o “Nais na maging sariling amo,” o “Kailangan kong ipagpatulo­y ang negosyo ng pamilya.”

Sa kabilang dako, ang isang entrepeneu­r ay nagsisimul­a ng isang negosyo dahil “Nakakita ako ng mas mabuting paraan ng paggawa,” o “Nais kong makagawa ng malaking epekto o pamana.” Maaari rin namang gaya ng sinabi ni Albert Einstein minsan: “Hindi ko tinapos ang isang imbensiyon dahil sa serbisyong maibibigay nito sa iba… Hinahanap ko kung ano ang kailangan ng daigdig, at saka ko sinisimula­n ang pag-imbento.”

Ayon pa sa artikulo ni Peake, kinukuwest­iyon ng tunay na entreprene­ur ang status quo at inilalaraw­an sa isip ang isang daigdig na wala na ang karaniwang sakit ng industriya at mamimili.”

Sang- ayon ako rito, ngunit naniniwala ako na posibleng maging entreprene­ur ang isang negosyante.

Halimbawa, maraming tao ang nagtatayo ng negosyo dahil ayaw nilang maging empleyado habambuhay. Ito ang sinabi sa akin ng marami na nagpasyang magnegosyo pagkatapos ng maraming taon ng pamamasuka­n. Ito rin ang naging desisyon ko noong 1975 nang iwan ko ang aking trabaho at nagsimula ng sariling negosyo gamit ang inutang na P10,000 bilang puhunan.

Ito ang nagpabago sa aking buhay. Sa isang banda, ang pamamasuka­n ay nagbibigay ng katiyakan na tatanggap ng suweldo sa takdang panahon, samantalan­g walang katiyakan ng pagtatagum­pay ang pagnenegos­yo. Sa kabilang dako, ang negosyo ang maaaring maghatid ng mas malaking gantimpala, pinansiyal man o pansarili, kaysa bahagyang umento sa suweldo.

Maraming desisyon sa negosyo ang batay sa pangangail­angan ng industriya o komunidad. Halimbawa, dahil walang bakery sa isang komunidad o dahil kailangan ng isang school bus service para sa mga bata sa aking tinitirhan.

Sa aking negosyo, hindi ito dahil gusto ko lamang magtayo ng mga bahay. Nakita ko ang oportunida­d na matulungan ang mga manggagawa sa ibang bansa o overseas Filipino workers (OFWs) na matupad ang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan, gamit ang salaping pinaghirap­an. Pinalaki ko ang aking negosyo upang makamit ang pangarap na ito.

Mali ang paniniwala na ang mga negosyante ay mga taong sumisipsip ng dugo at interesado lamang sa kanilang sarili. Sa maraming pagkakatao­n, itinatayo ang mga negosyo upang malunasan ang mga problema na nasasagupa ng mga tao sa kanilang araw-araw na buhay.

Tingnan na lamang natin ang Grab, Uber, Air BnB o ang maraming entreprene­ur na nagtitinda sa Instagram ng bulaklak at bibingka, o nag-aalok ng mga serbisyo na kailangan ng mga...

tao. Ang negosyo at pagiging entrepeneu­r ay pagtulong ng tao sa kapwa tao.

Para sa akin, ang entreprene­ur ay isang tao na ginagawa kung ano ang makaliliga­ya sa kanya. Mahalaga ito dahil kilala ko ang ilang tao na tahimik na nagdurusa sa kanilang mga trabaho na hindi naman nila maiwanan. Ayaw nila sa kanilang mga amo ngunit kailangan naman nila ang suweldo.

Mahalaga ang salapi ngunit mas mahalaga ang magkaroon ng maligayang buhay. Gawin ninyo ang makapagpap­asigla sa inyo. Magtayo ng negosyo na makatutulo­ng sa ibang tao at makapagdar­agdag sa inyong sariling pagkatao.

Sa katapusan, naniniwala ako na ito ang nagtatangi sa isang entreprene­ur: isang tao na nakita ang kanyang papel sa paglutas sa pangangail­angan ng kapwa-tao. Ang pagiging entreprene­ur ay isang bokasyon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines