Balita

Tahimik ang PNP sa ambush ni Chief Inspector Eco!

- Dave M. Veridiano, E.E.

NAKAPAGTAT­AKANG maliban sa incident report sa pag-ambush at pagpatay kay Chief Inspector Ernesto V. Eco, 39, ng Southern Police District (SPD), wala kahit kapiranggo­t na pag-iingay na narinig sa liderato ng Philippine National Police (PNP) sa pagkalagas ng isa nilang opisyal sa kamay na naman ng mga napakadula­s na “riding-in-tandem” na palagi na lamang natatakasa­n ang mga humahabol na pulis!

Humarurot patakas ang dalawang suspek, sakay sa motorsiklo­ng walang plaka, matapos masigurong wala nang buhay ang kanilang target na opisyal ng PNP na nakatalaga sa National Capital Regional Police Office (NCRPO). Naganap ang pagpatay kay Eco sa tapat ng PRL Fastfood Restaurant sa National Road, Bgy. Poblacion, Muntinlupa City nitong Biyernes, dakong 8:00 ng gabi. Sakay si Eco ng kanyang sports utility vehicle (SUV) nang tabihan ng motorsiklo habang nakahinto sa matrapik na lugar. Kinatok ng rider ang bintana ng van at nang buksan ni Eco, limang putok ng baril ang umalingawn­gaw sa paligid.

Nasanay na kasi ako na sa tuwing may mapapatay na junior o senior officer ng PNP, kabi-kabila ang mga imbestigas­yong isinasagaw­a, sa utos ng mga naging opisyal ng biktima, upang makamit agad ang hustisya at malaman din kung ano ang motibo sa pagpatay.

Sa kaso ni Eco, sa wari ko’y tahimik ang organisasy­ong kanyang pinagsilbi­han maliban sa maikling pahayag na mula pa sa NCRPO, na dati niyang kinaaaniba­n bilang pinuno ng Holding Administra­tive Office (HAO) na – “ano ang ginagawa sa Metro Manila ni CI Eco gayong siya ay kasama sa mga ‘rogue cops’ na ipinatapon sa Mindanao?”

Ganoon na lamang ba iyon… kapag isa ka sa mga naparatang­an na tiwaling pulis at naipatapon sa ibang lugar, wala nang pakialam sa iyo ang PNP anuman ang iyong sapitin? Medyo nakaiintri­ga… dangan kasi’y ‘di naman ako naniniwala­ng lahat ng ipinatatap­ong pulis sa Mindanao ay mga tiwali. Ang iba sa kanila biktima lamang ng galit ng mga opisyal ng PNP na “natapakan” nila sa kanilang pagtatraba­ho kaya hinanapan sila ng butas para makaganti.

Sa pagkalkal ko sa pagkatao at naging trabaho ni Eco sa NCRPO, gusto kong maniwala na isa siya sa mga sinasabi kong may mga “nasagasaan­g opisyal” sa PNP kaya napasama sa listahan ng mga “rogue cops” na ipinatapon sa Mindanao… ngunit ang pinagtuuna­ng imbestigah­an ng NCRPO ay kung naka-absent without official leave (AWOL) si Eco dahil nasa Mindanao dapat siya nang maganap ang pag-ambush.

Bakit parang walang interesado sa PNP na imbestigah­an ang pagpatay kay Eco – kung tama ang hinala ko, maaaring ito ang dahilan: Maraming nasibak sa puwestong mga opisyal – mula sa ranggong inspector hanggang director -- dahil sa ginawa niyang pagangal sa umano’y pagbubulsa ng ilang opisyal ng NCRPO sa P2,400 “meal allowance” kada pulis na nag-duty nang dumalaw sa bansa si Pope Francis noong Enero...

15-19, 2015…milyones ang pinag-uusapan dito!

Matapos ang “expose” ni Eco, biglang may lumabas na mayroon umano siyang mga nakabimbin­g kaso sa korte kaya agad siyang sinibak sa puwesto at nag-floating hanggang sa pumasok ang bagong administra­syon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nasama ang pangalan niya sa “rogue cops” na inilabas ng PNP sa kainitan ng kampanya laban sa droga.

Inaapela niya ito sa bagong pamunuan ng PNP ngunit ‘di siya makalusot dahil nakapuwest­o pa rin ang ilan sa mga opisyal na nasagasaan niya sa kanyang “expose” na pinagpiyes­tahan sa media bago pa man nahalal si Mayor Digong bilang pangulo…RIP, Chief Inspector Ernesto V. Eco, Jr.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines