Balita

Areglo King vs. Drama Queen

- Bert de Guzman

NA GLALABAN at nagpapatut­sadahan ngayon sa media sina DoJ Sec. Vitaliano Aguirre II at Sen. Risa Hontiveros bunsod ng brutal na pagpaslang ng pulis-Caloocan sa 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos kaugnay ng anti-illegal operations ng Duterte administra­tion at ng PNP ni Gen. Bato.

Tinawag ni Sen. Hontiveros si Aguirre bilang “Areglado King”. Tinawag naman ni Secretary Vits si Sen. Risa bilang “Drama Queen.” Samakatuwi­d, sabi ng kaibigan kong palabiro: “May bagong Hari at Reyna pala ang Pilipinas.” Ang ganitong tawagan o bansagan ay lumitaw dahil sa pagbaril ng mga pulis kay Kian habang nakaluhod at nagmamakaa­wang pakawalan siya dahil “May test pa po ako bukas.”

Bukod sa pagiging “Areglo King”, si Sec. Aguirre ay tinatawag pa rin ng mga netizen bilang “Fake News King.” Iba naman ang tawag sa kanya ng nakakulong na si Sen. Leila de Lima: “King of Wig”. Sen. Leila, ‘wag namang sanang personalan. Kung bakit siya tinawag na “Areglo King” ni beautiful Risa, itanong na lang ninyo sa kanya. At kung bakit tinawag naman siyang “Drama Queen”, paki tanong na lang kay Sec. Vits.

Muling inulit ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na hindi niya kayang tapusin o resolbahin ang salot ng shabu (shabu menace) sa bansa. Ang ginamit daw niyang “template” at “paradigm” sa pagpuksa sa illegal drugs ay ang karanasan niya sa Davao City bilang alkalde ng siyudad sa loob ng 23 taon. Iba pala sa Davao kaysa buong Pilipinas.

Sa Davao, nawala ang bawal na droga, itinumba ng mga pulis ang drug pushers at users. Subalit sa buong bansa, hindi yata umubra ang Davao experiment sapagkat hindi lang pala sa New Bilibid Prisons (NBP) nanggagali­ng ang shabu kundi sa ibang bansa, partikular sa China.

Humanga at bumilib ang mga tao noong kampanya nang ipangako ni Mano Digong na sa loob lang ng tatlo hanggang anim na buwan, susugpuin niya ang illegal drugs at totodasin ang drug dealers, pushers, at users. Pero, Mr. President, hanggang may drug smugglers/ suppliers na nakapagpap­alusot ng bultubulto­ng...

shabu sa Bureau of Customs (BoC), hanggang may drug labs sa mga exclusive village sa Metro Manila at iba pang mayayamang subdibisyo­n, kahit itumba ni Gen. Bato ang libu-libong tulak at adik, ang salot ng droga na sumisira sa utak ng kabataan at ng bansa, ay hindi mawawala.

Ang itumba mo Ginoong Pangulo at Gen. Bato ay drug lords, bigtime smugglers/ suppliers, narco-politician­s, police protectors at mga taga-Customs. Naniwala ang mga tao na sa NBP ginagawa at kinakalaka­l ang mga droga, eh bakit ngayon ay lumalabas na sa BoC pala ito pinadaraan mula sa China at ibang bansa? Inuulit natin: SUPORTADO ng mga mamamayan ang illegal drug war ng PDU30 admin subalit ang ayaw nila ay ang walang habas na pagbaril at pagpatay ng mga pulis kahit sa mga inosenteng sibilyan na wala namang baril, pero pinalalaba­s na NANLABAN!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines