Balita

MABUTING BALITA

-

Sinabi ni Jesus: “Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwa­ri! Para kayong mga pinaputing libingan na maganda sa labas pero puno ng buto ng mga patay at ng iba pang karumihan ang loob. Gayundin naman, mukha kayong mga taong banal ngunit puno naman ng pagkukunwa­ri at kasamaan ang kalooban.

“Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwa­ri! Nagtatayo kayo ng mga monumento para sa Mga Propeta at pinapalamu­tian ang mga bantayog ng mga banal na tao. Sinasabi n’yo: ‘Kung tayo ang nabuhay sa panahon ng ating mga ninuno, hindi sana tayo sumang-ayon na patayin ng Mga Propeta.’ Kaya kayo ang umaamin na mga anak kayo ng mga pumatay sa mga propeta. At ngayon, tapusin n’yo ang sinimulan ng inyong mga ninuno!”

PAGSASADIW­A:

Para kayong mga pinaputing libingan.— Ayon sa matatanda, ang tunay na kalinisan ng bahay ay wala sa nakikita ng mata (katulad ng salas at kusina) kundi yaong mga nakatago sa paningin (katulad ng ilalim ng upuan, kama, at mesa). Wala raw sa panlabas ang tunay na kagandahan. Ito rin ang mensahe ng Panginoon.

Ang mga eskriba at mga Pariseo ay waring mga pinaputing libingan. Sa labas, mapuputi sila at mistulang mga banal ngunit punung-puno ng karumihan at kasalanan ang kanilang mga puso. Mainam na suriin ang ating sari-sariling buhay.

Ang atin bang pananalita­ng may kabanalan ay nagpapahay­ag sa ating panloob na kabutihan? Ang buhay ba natin ay larawan ng mabuting pakikipag-ugnayan natin sa Diyos? Mas madaling magpakitan­g banal kaysa maging tunay na banal.

“SIMBAHAY 2017” ST. PAULS Philippine­s, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 8959701; FAX: 895-7328; Email: books@stpauls.ph; Website: http://www.stpauls.ph.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines