Balita

Edukasyong ligtas sa peligro

- Celo Lagmay

NANG matapos ang limang buwang pagbabawal sa mga field trips, natitiyak ko ang mahigpit na implementa­syon ng mga panuntunan upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante. Ipinatupad ng Commission on Higher Education (CHED) ang naturang field trip ban noong Pebrero kasunod ng madugong trahedya sa Tanay, Rizal na ikinamatay ng 15 mag-aaral at ikinasugat ng 40 iba pa; nahulog sa malalim na bangin ang sinasakyan nilang bus matapos na ito ay bumangga sa electric post.

Sa kabila ng malagim na aksidente, kagyat ang aking reaksiyon noon na hindi dapat ipinagbawa­l ang mga field trip o mga aktibidad na isinasagaw­a ng mga estudyante sa labas ng mga kolehiyo at unibersida­d. Makabuluha­n ang ganitong mga outdoor activities lalo na kung isasaalang-alang na ang mga ito ay nagpapalaw­ak ng kanilang mga kaalaman sa larangan ng kultura, kalikasan at kaugalian ng ating mga kalahi o cultural minorities. Bahagi ito ng mga aralin na hindi matatamo sa mga school rooms.

Manapa, dapat sanang isinulong noon ng CHED ang pagbalangk­as kaagad ng mahihigpit na patakaran na magiging gabay sa mga field trips. Mabuti na lamang at pagkalipas ng limang buwan, bumuo ang naturang ahensiya ng makatutura­ng mga panuntunan. Napag-alaman ko na kaagapay sa pagbalangk­as ng mahihigpit na regulasyon ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DoT), Land Transporta­tion Office (LTO) at Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB). Naniniwala ako na dapat ding sinangguni rito ang Department of Education ( DepEd) sapagkat nagsasagaw­a rin ng mga field trips ang elementary at high school students upang lumawak din ang kanilang mga kaalaman sa mga bagay na nasasaksih­an sa labas ng kanilang mga eskuwelaha­n.

Gayunman, sapat na rin ang binuong mga panuntunan na...

nagpapalaw­ak sa nasasakop ng mga outdoor activities. Kabilang dito ang paglahok ng mga magaaral sa sports competitio­n, sa mga kumperensi­ya at iba pang programa na malimit idaos sa labas ng unibersida­d.

Marapat lamang na obligahin ng CHED ang mga kolehiyo at unibersida­d, pribado man o pag-aari ng gobyerno, na magkaroon ng insurance coverage ang mga estudyante; kailangang suriin ang rehistrasy­on, insurance, prangkisa at maayos na kalagayan ng mga sasakyan na gagamitin sa mga field trips. Mahigpit na inuutos ng CHED na ang gayong mga aktibidad ay dapat ipagbigay-alam sa mga local government units.

Higit sa lahat, hindi dapat kaligtaan ang nakasulat na pahintulot ng mga magulang at medical clearance para sa mga mag-aaral na lalahok sa outdoor mission. Sa gayon, matitiyak natin ang kanilang kaligtasan kaugnay ng pagpapalaw­ak ng hinahangad nilang edukasyon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines