Balita

Mayor Bistek, lifetime awardee ng Luna Awards

- Ni LITO T. MANAGO

PERSONAL na tinanggap ni Quezon City Mayor Herbert Maclang Bautista ang karangalan bilang honoree ng Fernando Poe, Jr. Lifetime Achievemen­t Award sa 34th Luna Awards ng Film Academy of the Philippine­s (FAP) nitong nakaraang Sabado sa Resorts World Manila.

Nagsimula ang career ni Mayor Bistek bilang child actor sa programang 2 Plus 2 sa dating Banahaw Broadcasti­ng Corporatio­n (BBC) na nasundan ng Clubhouse 9, Basta Barkada at marami pang iba.

Ipinakilal­a naman siya sa pelikulang Oh, My Mama nina Maricel Soriano at William Martinez noong 1981 pero sumikat siya nang husto (along with Aga Muhlach) sa Bagets ng Viva Films.

Sa loob ng maraming taon niya sa showbiz, nakagawa na siya ng mahigit 30 pelikula at napanood sa mahigit 20 TV shows. Ilang acting awards na rin ang natanggap niya.

Mas aktibo na ngayon si Mayor Herbert bilang public servant at paminsan- minsan na lang gumawa ng pelikula at tumanggap ng TV show.

Huling termino na ni Mayor HB bilang alkalde ng pinakamala­king lungsod sa Pilipinas.

Bago naging mayor, naging chairman muna siya ng Kabataang Barangay (KB) at nahirang na presidente ng national federation nito.

Nagsilbi rin si Bistek ng dalawang term bilang city councilor at pagkatapos ay tumakbo as QC vice- mayor in 1995 and won. He was the youngest vice-mayor at the age of 27.

Nang huling ma-interview ng entertainm­ent press, aniya, wala pa siyang plano para sa susunod na eleksiyon. “Masyadong maaga pa! Marami pang dapat gawin at ayusin sa siyudad. Tutukan muna natin ‘ yung trabaho ko bilang alkalde.”

Karangalan para kay Mayor Bistek na ginawaran siya ang FPJ’s Lifetime Achievemen­t Award ng Luna Awards, na ibinibigay ng mga kasamahan niya sa industriya.

Kamakailan, ginawaran din ang QC, under his leadership, bilang 1st Place for Overall Competitiv­eness sa kategoryan­g Highly Urbanized City category sa 5th Regional Competitiv­eness Summit and Awards sa Philippine Internatio­nal Covention Center (PICC).

Bukod sa highest award sa nasabing kategorya, nakakuha rin ng siyudad ng lima pang karangalan, namely: Most Competitiv­e City in Frastructu­re, 2nd Most Competitiv­e City in Government Efficiency, 2nd Most Competitiv­e City in Resiliency, at 2nd Most Competitiv­e in Economic Dynamism.

Proud na proud si Mayor Bistek sa panibagong karangalan­g natanggap ng nasasakupa­ng lungsod at ang karangalan­g ipinagkalo­ob sa kanya ng FAP Awards.

Congratula­tions, Mayor Bistek!

 ??  ?? Mayor Herbert
Mayor Herbert

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines