Balita

‘Bromance,’ nabuo sa ‘Mulawin vs Ravena’

- –Nitz Miralles

KUNG naging close sina Bea Binene at Bianca Umali dahil sa Mulawin vs Ravena, ganu’n din ang nangyari kina Derrick Monasterio at Miguel Tanfelix. Parang magkapatid din ang turingan ng dalawa at kuwento sa amin, kapag walang eksena ay lagi silang magkasama.

Close rin kina Derrick at Miguel si David Licauco na inaalalaya­n nila dahil baguhan. Close na rin sina David sa dalawa at napansin naming kumain sila ni Derrick sa iisang plato at iisang fork ang gamit. Biniro ang dalawa na may bromance na pinagtawan­an lang nila.

Tinanong namin ang tatlo kung ano ang mamimiss nila sa Mulawin vs Ravena?

Derrick: “Mami- miss ko si Almiro, ang karakter na ginampanan ko dahil sa tanang buhay ko, dito lang ako naging hari. Iba ang dating kapag hari ka kahit sa TV lang.”

Miguel: “Mami- miss ko ang show na ito, pero looking forward ako na gampanan pa rin si Pagaspas in the future. Kapag nag-decide uli ang GMA-7 na muling i-remake ang Mulawin sa mga darating na taon, sana ako pa rin ang kunin na gumanap na Pagaspas. Sobrang love ko si Pagaspas dahil first role ko itong ginampanan noong five years old ako.”

David: “Mami-miss ko ang mga kasama namin at saka ang role kong si Malik. Matapang dito si Malik, hindi ako ganu’n in real life, mabait ako.”

Nakaeksena nilang tatlo si Dennis Trillo na gumaganap sa role ni Gabriel, ano ang natutuhan nila sa aktor?

Derrick: “Marami akong natutunan sa kanya, learn to observe para matuto. Alam niya kung saan ang camera niya, alam niya kung kailan dapat ibabagsak ang luha at kung aling mata. Parang gumagawa siya ng masterpiec­e ‘pag umaarte. Napansin ko rin na sobra siyang tahimik.”

Miguel: “Profession­al siya at isa pang natutunan ko is to stay on the ground. Hindi niya ipinapasok sa isip na magaling siya. Napansin ko rin na iniiba niya ang atake sa bawat karakter na kanyang ginagampan­an.”

Mahigit dalawang linggo na lang ang airing ng Mulawin vs Ravena at magtatapos na sa September 15, at ayon kina Derrick, David at Miguel, huwag bibitaw dahil marami pang pasabog na ikagugulat ng viewers.

 ??  ?? Derrick, Miguel at David
Derrick, Miguel at David

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines