Balita

Lovi Poe, tinapos na ang mga eksena sa ‘MvsR’

- Ni NORA CALDERON

UMALIS na si Lovi Poe pagkatapos ng successful showing ng first comedy movie niyang WokeUpLike This with Vhong Navarro for Regal Entertainm­ent.

Hindi raw madali ang role niya na naging lalaki siya, pero worth daw naman ang pagod at hirap pagkatapos nilang mapanood ang movie at nagustuhan ng moviegoers.

Box office hit ang kanilang pelikula.

Papuntang Paris si Lovi para umattend ng wedding nina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Isa si Lovi sa maraming stars and celebritie­s na dadalo sa itinuturin­g na grand wedding of the year.

Pagkatapos ng wedding, imimeet na ni Lovi ang boyfriend niyang si Chris Johnson na based sa Paris at from there, isang grand vacation ang gagawin niya pagkatapos ng marami niyang tapings and shootings. Maglilibot sila sa iba’t ibang lugar doon na hindi pa niya napuntahan.

Bago umalis, tinapos na ni Lovi ang ilang eksena ng role na ginagampan­an niya sa Mulawin vs Ravena as Magindara, ang goddess of water. Malapit nang matapos ang telefantas­ya na nasa last three weeks na lamang, at mari- reveal na kung ano ang nangyari sa kanya simula nang magkahiwal­ay sila ni Siklab ( Dion Ignacio), ang ravenang minahal niya, sa kabila ng pagtutol ng inang si Sandawa ( Regine Velasquez).

Isa sa highlights ng finale ang pagsisilan­g ni Magindara ng anak nila ni Siklab. Ang bata ay gaganap ng isang mahalagang role sa pagtatapos ng telefantas­iya. Ibig bang sabihin, hindi sina Gabriel ( Dennis Trillo) at Almiro ( Derrick Monasterio) ang tunay na sugo ng mga mulawin para magkaisa na sila ng mga Ravena?

Ang Mulawin vs Ravena ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Alyas Robin Hood 2 sa GMA-7.

Pagkatapos ng grand vacation ni Lovi, pagbalik niya ay magriresum­e sila ng shooting ni Tom Rodriguez ng The Significan­t Other na dinidirihe ni Joel Lamangan.

 ??  ?? Lovi
Lovi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines