Balita

Video ng ‘Look What You Made Me Do’ ni Taylor Swift, tinalo ang “Hello” ni Adele

-

PATULOY sa pagpatok ang video ng Look What You Made Me Do ni Taylor Swift simula nang mag-world premiere sa MTV Video Music Awards nitong nakaraang Linggo. Nilampasan na nito ang ilang streaming records ng mga sikat na mang-aawit.

Naitala ito bilang ‘most-viewed music video’ ngayong taon nang pumalo sa 38 milyong views nang wala pang 24 oras. Umaabot sa tatlong milyon ang view nito kada oras, at tinalo na ang dalawa sa pinakapato­k na awitin ngayong taon na Despacito, na may 22 milyong views sa loob ng 24 oras, at ang awitin ni Adele na Hello, may 27 milyong views sa loob ng 24 oras noong 2015.

Sa ngayon, ang lyric video ay umabot na ng 43.5 milyong views, na nitong nakaraang Biyernes lang inilabas, tinalo rin ang dating record ng lyric video na pinakamara­mi ang nanood sa loob ng 24 oras.

Ayon sa datos ng Spotify, ang awitin ni Swift ay patuloy na pinanonood ng 23 milyong beses. Ang download sales sa unang araw nang ilabas ito ay umabot ng 189,144; 31,514 nitong Sabado; at 25, 242 kahapon, na may kabuuang 245, 900 download sales sa loob lamang ng tatlong araw, na lubhang kahangahan­ga sa rekord ng track sales.

Samantala, ang kauna-unahang paglabas ng video sa iHeartRadi­o sa 144 Top 40 at istasyon ng Hot AC ay naglagay sa Look What You Made Me Do sa ika-18 na puwesto sa Top 40 chart ng media base, na may 5,400 spins (39 milyon na manonoood); ika-16 na puwesto sa Hot AC chart, na may mahigit sa 1,942 spins (15 milyon na manonood); at ika-23 puwesto sa AC, na may 178 spins (2.8 milyon na manonood).

Ang nasabing awitin ay nangunguna pa rin sa Apple Music, Spotify U.S. at global Top 50, at music charts ng Amazon.

Tumambal si Taylor sa programa ng Ticketmast­er naVerified Fan upang mabigyan ng pagkakatao­n ang kanyang mga tagahanga na makabili ng ticket sa kanyang nalalapit na concert tour, sa pamamagita­n ng pakikiisa sa iba’t ibang “boost activities”, na magtatapos ang paunang rehistrasy­on sa Nobyembre 28. Magiging parte ba ang album naReputati­on ni Swift, na ilalabas sa Nobyembre 10, sa nasabing ticket bundle? Inihayag na ng Target ang pre-order ng dalawang magazine, na may 72 pahina na magtatakpo­k sa nasabing album ni Swift na may kakaibang laman, tulad ng mga tula, larawan, artwork, at sulat-kamay na mga titik ng kanta, sa halagang $19.99 kada piraso.

Target ni Swift na talunin ng kanyang album ang album ni Adele sa US records na may 3.4 milyon na naibenta sa loob lamang ng isang linggo noong Nobyembre 2015.

 ??  ?? Taylor at Adele
Taylor at Adele

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines