Balita

Mark Zuckerberg, ipinakilal­a ang second daughter sa Facebook

-

SAN FRANCISCO (AFP) – Ipinakilal­a ng Facebook cofounder na si Mark Zuckerberg at ng kanyang asawa ang kanilang ikalawang anak na babae – si August -- sa mundo nitong Lunes sa pamamagita­n ng isang post sa nangunguna­ng social network.

Gaya ng ginawa nila sa kanilang panganay na si Maxima, noong 2015, lumiham ang mag-asawa sa kanilang baby girl, ngunit sa pagkakatao­ng ito ay ipinahayag ang kasiyahan ng pagiging bata sa halip na ang mga pangarap para sa mas magandang bukas.

“You only get to be a child once, so don’t spend it worrying too much about the future,” saad sa liham na nilagdaan ng Mark Zuckerberg at Priscilla Chan.

“You’ve got us for that, and we’ll do everything we possibly can to make sure the world is a better place for you and all children in your generation.”

Ang Zuckerberg Chan Initiative na itinatag ng mag-asawa ay naglaan ng bilyun-bilyong dolyar para sa pagbuo ng maayos na buhay ng henerasyon ng kanilang mga anak partikular ang mga layuning malipol ang mga sakit.

Kabilang ang Facebook co- founder sa mga bilyonaryo­ng nangako na ibibigay ang malaking bahagi ng kanilang kayamanan sa charitable causes. “With all the advances in science and technology, your generation should live dramatical­ly better lives than ours, and we have a responsibi­lity to do our part to make that happen,” saad ng mag-asawa sa sulat, na ang tinutukoy ay ang kanilang panganay.

“But rather than write about growing up, we want to talk about childhood. The world can be a serious place. That’s why it’s important to make time to go outside and play.”

At, tulad ng ibang mga magulang, umaasa sila na ang kanilang bagong silang na sanggol ay makatutulo­g nang mahimbing.

 ??  ?? Priscilla, Mark at mga anak
Priscilla, Mark at mga anak

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines