Balita

Kevin Hart, nag-donate ng $25K para sa mga biktima ng Hurricane Harvey

-

HINAHAMON ni Kevin Hart ang kanyang mga kapwa celebrity na tulungan ang mga kababayang biktima ng Hurricane Harvey nitong nakaraang linggo.

Nitong nakaraang Linggo, inihayag ng 38 taong gulang na comedian sa isang video na ipinost sa Instagram na nagbigay siya ng $25,000 donasyon sa American Red Cross at humihiling sa mga celebrity kabilang sina Beyonce, JAY-Z, Justin Timberlake, Dwayne Johnson at Jerry Seinfeld na magbigay din ng donasyon.

“This is a serious matter,” saad Hart sa video. “I think the people are in bad shape and they need help. I’m going to lead the charge and step it up in this way,” caption niya sa video, na tinawag niyang Hurricane Harvey Relief Challenge.

Bukod kay Hart, tumulong na rin ang ibang celebrity sa mga residente ng Houston.

Nitong nakaraang Linggo, ibinahagi ni Drake sa Instagram na siya ay “working with local relief groups to aid and assist the people of Texas in any way” sa abot ng kanyang makakaya. “I encourage everyone to do what they can to assist the people of Texas knowing whatever effort you can make to help will go a long way,” caption ng rapper sa isang litrato ng Texas.

Samantala, inihayag din ni Chris Young sa Twitter na nag-donate siya ng malaking halaga sa Red Cross. “Texas has been hit hard by Hurricane Harvey,” caption ng country singer sa video ng kanyang sarili, kung hinihikaya­t niya ang publiko na magbigay ng donasyon sa organisasy­on. “I’m donating $100,000 to relief efforts and hope you will join me.”

Si Beyonce naman, na tubong Houston, ay nag-post ng mensahe sa Instagram, at sinabing: “Texas, you are in my prayers.”

Hindi lamang si Hart ang charitable star. Nitong nakaraang linggo, nag-donate din sina George at Amal

Clooney ng $1 million sa Southern Poverty Law Center, isang legal advocacy organizati­on na specialize­d sa civil rights at public interest litigation.

Nagbigay rin ang mga Clooney ng $10,000 sa Camp Cocker Rescue, isang California animal rescue organizati­on.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines