Balita

TAMBULISLI­S

- R.V. VILLANUEVA

Ika-2 labas

HINDI sumagot ang visitador na si Mang Abe sa sinabi ni Mang Aldo, sa halip bumaba sa kabayo at nagpalinga­linga. Naghahanap siya ng madamong lugar para may kainin ng kaniyang kabayo habang nakikipag-usap sa katiwala sa malawak na niyugang pagaari ni Don Andres Hamoria. Hindi nabigo si Mang Abe na makakita ng lugar ng tumutubong maraming damo kaya hinila ang kabayo papunta sa ligaw na halamang pagkain ng kabayo. Natuwa ng husto ang visitador ng makitang malago at mataas ang damong ipapakain sa alagang hayop na tinatawag na aroro. Isang uri ng damong hindi lang gustong- gustong kainin ng mga kabayo, kung hindi pati ng kalabaw, baka, kambing at iba pang hayop na pagkain ng damo ang ikinabubuh­ay. At dahil tuwina, kasama at karamay ni Mang Abe ang kabayo sa pagtupad sa trabaho sa malawak na niyugan ni Mang Andres, tinapik-tapik sa pigi ang hayop na tila taong kinausap at sinabihang kumain ng kumain at magpakabus­og.

“Aldo, tama ang desisyon mong magsimula ng maaga sa pagkakawit,” wika ni Mang Abe ng makalapit sa katiwala. “Tiyak na uulan mamayang hapon!”

“Tiyak na tiyak ho, Mang Abe”, sagot ni Mang Aldo. “Panahon na ng malad-at kaya laging umuulan sa hapon!”

“Baka nga tanghali pa lamang, umulan na”, singit ni Aling Roring. “Kasi kahapon, mapulang-mapula ang lubugan ng araw!”

“Malamang nga,” sagot ni Mang Abe.

“Maiba ko ho ang usapan, Mang Abe”, wika ni Aling Roring. “Nag-almusal na kayo?”

“Kape lang, Roring. Tulog pa kasi ang mga kasama ko sa bahay ng umalis ako”, sagot ni Mang Abe.

“Hindi pa rin ho kami nag-aalmusal ni Aldo, nagkape lang din, kaya tayo na sa bahay, sabay-sabay tayong mag-almusal,” aya ni Aling Roring!”

Hindi na bago ang ginawang pagpapahal­aga ni Aling Roring sa visitador na nakatalaga sa lupang pinagtatra­bahuhan nila ng asawa bilang magkokopra. Dahil tulad ng maraming katiwala sa malawak na lupain ni Don Andres, kapag dumarating ang visitador, niyaya nila sa kanilang bahay para kumain at may pagkakatao­n din para uminom ng alak. Dahil alam nina Mang Aldo at Aling Roring na kailangan nilang bigyan ng kasiyahan ang taong pinagtitiw­alaan ng may-ari ng niyugang pinagkukun­an nila ng kabuhayan, pinaghahan­daan nila ang pagdating. Nagsaing na si Aling Roring at nagluto ng ulam na adobong bayawak na paborito ng visitador bago umalis ng bahay para tumulong kay Mang Aldo sa trabaho sa niyugan. Dahil nag-aaral na sa isang unibersida­d sa Metro Manila ang nag-iisa nilang anak na lalaki, siya na ang katulong ng asawa sa pagkokopra sa bahagi ng niyugan ni Don Andres na ipinagkati­wala sa kanila. Dahil nakaramdam ng gutom, pinaunlaka­n ni Mang Abe ang anyaya ng mag-asawang katiwala sa niyugang pinagtatra­bahuhan niya bilang visitador. At magkakasun­od na naglakad ang tatlo papunta sa bahay na hindi kalayuan sa lugar na pinagtatra­bahuhan nina Mang Aldo at Aling Roring.

“Pasensya ka na, Mang Abe,”wika ni Aling Roring. Hindi ko na naayos na mabuti ang bahay dahil maaga kaming umalis ni Aldo papunta sa niyugan!”

“Okey lang ‘yan”, sagot ni Mang Abe. “Talagang ganyan kapag mag-asawa na lang ang natitira sa bahay!”

Dahil sanay na ang visitador sa bahay ng mag-asawa, agad siyang sumunod kay Mang Aldo ng sabihing tumuloy na sila sa kusina. At dahil nag-iwan si Aling Roring ng kaunting uling na nag-aapoy sa pugon, mainit pa ang kanin ng sandukin niya ng sandok na gawa sa bao ng niyog. Bahagyang kumibot-kibot ang ilong ni Mang Abe ng buksan ni Aling Roring ang takip ng kawaling naglalaman ng adobong bayawak na kumpleto sa kailangang sangkap at sahog. Lihim namang nasiyahan sina Mang Aldo at Aling Roring sa papuring nakita sa kilos ng visitador sa ihahain nilang pagkain.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines