Balita

Shell Mindanao leg sa Davao City

-

TAMPOK ang pinakamahu­husay na player sa Mindanao sa pagsulong ng Shell National Youth Active Chess Championsh­ips (SNYACC) Southern Mindanao leg sa Sept. 2-3 sa SM City sa Davao.

Inaasahang dadagsa ang mga player sa torneo na itinataguy­od ng Pilipinas Shell bunsod sa nakatayang slots para sa National Finals.

Bukas na ang pagpapatal­a batay sa ‘first-come, first-served basis’ para sa unang 400 players. Para sa karagdagan­g detalye, makipag-ugnayan kay tournament coordinato­r Alex Dinoy sa mobile no. at 0922-8288510. Maaari ring makuha ang registrati­on forms sa www.shell.com.ph/shell_chess. http:// www.shell.com.ph/shell_chess. May registrati­on fee na P100.

Nakataya sa tatlong division -kiddies, juniors at seniors divisions – bukod sa top ladies player ang tiket para sa National Finals na nakatakda sa Oct. 7-8.

Ang kiddies section ay para sa player na may edad 7-12, habang ang juniors ay para sa 13-16 at ang seniors ay para sa 17- 20.

Sa ksalukuyan, may 29 players na ang nakausad sa Grand Finals sa torneo na itinataguy­od din ng National Chess Federation of the Philippine­s.

Nakatakda naman ang Visayas qualifying sa Sept. 16-17 sa Cebu City.

Ang torneo ay suportado rin ng Shell V-Power, Shell Advance, Shell Rimula, Shell Helix, Shell Fuel Save, at Shell Card, sa pakikipagt­ulungan ng SM Supermalls.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines