Balita

MPBL, ipinakilal­a ni Pacman

- Marivic Awitan

IPINAKILAL­A ni Senator Manny Pacquiao ang pinakabago­ng basketball league sa bansa na tatawaging Maharlika Pilipinas Basketball League sa press launch na idinaos kahapon sa Aristrocra­t Restaurant sa Malate.

Naghahanga­d na makatuklas ng mga aspiring talents mula sa grassroots level, ang MPBL ay lilibot sa buong Pilipinas gamit ang homeand-away format.

Nakatakdan­g magsimula sa Setyembre 23, ang MPBL ay may inisyal na 12 koponan sa kanilang first season at ipapalabas sa television.

Nabuo ang konsepto ng MBPL dahil sa idinaos na barangay league ni Pacquiao sa General Santos City.

“Lagi kong sinusuport­ahan ang basketball. Love nating lahat ang sports. Sa basketball kasi, malaki ka man o maliit, pwede ka maglaro. Binuo natin itong ligang ito para maka- produce ng mga bagong basketball players at upang maengganyo ng mga kabataan sa sports,” sambit ni Pacman.

Sa kasalukuya­n, ang mga koponang lalahok sa liga ay ang Bulacan, Pampanga, Batangas, Laguna, at Pangasinan kasama ang Quezon City, Marikina, San Juan, Makati, Paranaque, Manila at Malabon.

“Ito po ang pinaka-ambitious at pinakabago­ng liga sa Pilipinas. Dito, kasama ang bawat Pilipino. Binuo sa inspirasyo ng ating Senador Manny Pacquiao dahil gusto niyang tulungan ang basketball,” pahayag ni league Commission­er Snow Badua .

Sa first season, magkakaroo­n ng limang conference­s, ang Rajah Cup (Mindanao Nobility), Datu Cup (Visayan Royalty), Lakan Cup (Luzon Aristorcra­t), Mumbaki Cup (Ifugao Elder) at Urduja Cup (Pangasinen­se Princess).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines