Balita

Kings, mapapalaba­n sa Fuel Masters

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (MOA Arena)

4:15 n.h. -- Blackwater vs TNT

Katropa 7 n.g. -- Phoenix vs Ginebra MAKASALO ng Meralco sa liderato ang tatangkain ng crowd favorite Barangay Ginebra sa pagsagupa sa Phoenix sa tampok na laro ngayong gabi ng 2017 PBA Governors Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kasalukuya­ng nasa ikalawang puwesto ang Kings kasalo ng dating namumunong Star Hotshots na may barahang 4-1, isang panalo ang pagkakaiwa­n sa Meralco.

Magtutuos ang Kings at ang Fuel Masters ganap na 7:00 ng gabi matapos ang pambungad na bakbakan sa pagitan ng rumaratsad­ang Blackwater at TNT Katropa ganap na 4:15 ng hapon.

Tatangkain ng Kings na hatakin ang naitalang 4- game winning streak sa limang laro, habang magkukumah­og naman ang katunggali­ng Fuel Masters na makaahon sa kinasadlak­ang anim na sunod na pagkabigo matapos maipanalo ang unang dalawang laban.

Huling ginapi ng Kings ang hanggang ngayo’y patuloy pa ring inaalat na Alaska Aces sa larong ginanap sa Lapu -Lapu City noong nakaraang Sabado.

Sa unang laro, target naman ng Elite na maitala ang pinakamaha­bang winning streak ng prangkisa sa liga sa pagtutuos nila ng TNT Katropa na kababalik naman sa winning track matapos ang 110-103 panalo kontra Phoenix nitong Biyernes.

Naitala ng Blackwater ang ikatlong sunod na panalo matapos gapiin ang Aces sa double overtime, 111-106, nitong Miyerkules.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines