Balita

Mark, all-out ang suporta kay Wyn

- NI LITO T. MAÑAGO

BUKOD sa pamilya at malalapit na kaibigan, all-out din ang suporta KAY Wyn Marquez ng boyfriend na si Mark Herras sa muling pagsabak niya sa beauty pageant.

Kandidata ngayon si Wyn sa Miss World Philippine­s 2017 (MWP). Ito ang huling pagkakatao­n ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno para maisakatup­aran ang pangarap niyang maging beauty title holder. Ipinadama ng dating Starstruck ultimate male survivor ang pagmamahal at suporta sa girlfriend sa pamamagita­n ng post sa Instagram.

Nag- post si Mark ng isang larawan ni Winwyn sa IG na kuha ng MWP sa isang photoshoot sa Boracay at nilagyan niya ito ng caption na, “Pangggaa ilang araw na lang. You got this ga!

“Andto kameng lahat para suportahan ka :) I know & I wish na matupad na yung matagal mo nang pangarap. I love you ga go miss world.”

Sa huling panayam namin kay Wyn nu’ng Mayo sa grand presscon ng Mulawin vs. Ravena, hindi pa siya sigurado kung sasali uli siya sa pageant pero nagbigay naman siya ng hint na baka sa MWP siya sumali sa halip na sa Bb. Pilipinas.

“This year kasi ang Miss World. Mas nauna itong project at ayoko namang mag-overlap. Kung hindi ako makahabol this year, baka next year ulit sa Bb. Pilipinas. I’m already 25 and if I won’t give it a try baka mag-regret lang ako,” pagtatapat ni Wyn.

Inamin niya na malaking factor ang kanyang boyfriend sa pagsali niya sa pageant.

Aniya, “Laging sinasabi sa akin ni Mark na, ‘Huwag kang sasali kung sinasabi lang ng mga tao. Sumali ka dahil gusto mo. ‘Wag kang mape-pressure.’ ‘Wag daw akong makikinig sa ganu’n.”

Marami ang nagsasabi na malaki rin naman ang chance ni Wyn na maiuwi ang korona.

Sa talent competitio­n segment ng MWP na isinagawa kamakailan, isa siya sa anim na finalists.

Malalaman na sa Linggo, September 3 kung papalarin na ang girlfriend ni Mark na mauwi ang isa sa mga korona at stake sa gaganaping Miss World Philippine­s 2017 coronation night sa SM Mall of Asia Arena. Mapapanood ito sa GMA Network.

 ??  ?? Mark at Wynwin
Mark at Wynwin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines