Balita

59 inabsuwelt­o sa rebelyon, pinalaya

- Beth Camia at Jeffrey Damicog

Kinumpirma ng Department of Justice ( DoJ) ang pagpapalay­a nito sa 59 na hinihinala­ng miyembro ng teroristan­g Maute Group na naaresto sa Zamboanga, at nakakulong ngayon sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ito ay matapos na ibasura ng National Prosecutio­n Service ang kasong rebelyon laban sa naturang mga suspek.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, batay sa findings ng panel of prosecutor­s, na pinangunah­an ni Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong, walang probable cause ang reklamong inihain ng Armed Forces of the Philippine­s- Western Mindanao Command ( AFP-WestMinCom) laban sa mga naaresto.

“The DoJ will not be a part of any injustice,” saad sa pahayag ni Aguirre.

“If in the assessment of our Panel of Prosecutor­s there is no basis to charge a person in court, such a finding should be respected,” dagdag pa ni Aguirre. “They did not find the military witness as credible.”

Kabilang sa inatasang palayain mula sa Camp Bagong Diwa ang apat na menor de edad.

Hulyo 27 nang kasuhan ng rebelyon ang mga hinihinala­ng miyembro ng Maute makaraang maaresto ng Hulyo 25.

Una nang iginiit ng respondent­s sa kanilang counter affidavit na sila ay naloko lamang at pinaniwala ng isa pang respondent na si Nur Supian na sasanib sa Moro National Liberation Front ( MNLF) at kalaunan ay magiging sundalo o bahagi ng integratio­n.

Karamihan sa kanila ay naaresto sa military checkpoint sa Ipil, Zamboanga Sibugay, habang ang iba ay nadakip sa isang bahay sa Guiwan, Zamboanga City nitong Hulyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines