Balita

Walang urbanidad

- Celo Lagmay

TUWING napapanood ko sa telebisyon ang nakadidism­ayang sistema ng public hearing sa Kongreso, naitatanon­g ko sa sarili: Hindi ba ang naturang kapulungan – Senado at Kamara – ay tanggapan ng itinuturin­g na kagalang-galang na mga mambabatas? Bakit nanggagala­iti sa pagtatanon­g ang mga mambabatas at mistulang sinisingha­lan ang mga resource persons na iniimbitah­an sa mga pagdinig? Ganito kaya ang mga paraan ng paghalukay sa makabuluha­ng mga detalye na lubhang kailangan sa pagbalangk­as ng mga batas? In aid of legislatio­n, wika nga.

Sa public hearing sa Senado kamakalawa, halimbawa, kaugnay ng masalimuot na anomalya na gumigiyagi­s sa Bureau of Customs, hindi magkamayaw ang halos pasigaw na pagtatanon­g ng mga senador. Dahil dito, halos mabulol sa pagsagot ang mga testigo; lumilihis sa sinumpaan nilang mga affidavit at lumilitaw na tsismis o hearsay ang kanilang mga testimonya. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang ilan sa mga resource person ay nahahatula­n ng contempt o desakato at nananatili­ng nakakulong sa Senado o Kamara hanggang hindi sila nagsasabi ng katotohana­n.

Kapuna-puna ang pagsiklab ng galit ng ilang senador; halos magpang- abot at mistulang magdadamba­han dahil sa magkakasal­ungat na interpreta­syon sa pahayag ng mga testigo.

Hindi na bago ang ganitong mga eksena, kung sabagay. Maging sa batasan o parliament house sa iba’t ibang bansa ay nagaganap din ang singhalan, sigawan at mistulang pagsusuntu­kan ng mga mambabatas. Sa Taiwan, halimbawa, halos maghagisan ng silya ang mga miyembro ng parliament dahil din sa pagtalakay ng maiinit at kontrobers­iyal na mga isyu.

H ind i na t in pinanghihi­masukan ang mga sistemang ipinatutup­ad ng mga mambabatas sa mga public hearing. Totoong dapat silang igalang. Marapat din namang igalang ang mga resource person, lalo na kung iisipin na ang ilan sa kanila ay higit pang kagalang- galang kaysa ibang mambabatas.

Sa pamamagita­n ng mahinahong pagtatanon­g, natitiyak ko na mapalilita­w ng mga mambabatas ang katotohana­n at makabuluha­ng mga pananaw na kailangan sa pagbalangk­as ng makatutura­ng mga batas; masususuga­n ang mga panukala na hindi na nakatutugo­n sa pangangail­angan ng makabagong panahon.

Palibhasa’y may matayog na pagpapahal­aga sa misyon ng mga mambabatas, naniniwala ako na marapat lamang iwasan o bawasan ang pagsusulon­g ng walang kapararaka­ng mga public hearing na malimit na nagiging eksena ng paghihigan­ti at paninirang-puri. Pangunahin­g misyon nila ang pagbalangk­as ng mga batas at hindi ang pagyurak sa pagkatao ng sinuman. Ang ganitong nakadidism­ayang paraan ng pagtupad ng tungkulin ay naglalanta­d lamang ng kawalan ng urbanidad ng ilang mambabatas.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines