Balita

Pagdiriwan­g ng Eid’l Adha ng mga Muslim

- Clemen Bautista

KUNG ang Simbahang Katoliko ay may dalawang mahalagang pagdiriwan­g; Pasko tuwing ika-25 ng Disyembre o ang petsa ng pagsilang o kapanganak­an ni Jesus na Anak ng Diyos; at ang Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay, ang mga kapatid naman natin na Muslim ay may dalawa ring mahalagang okasyon na kanilang ipinagdiri­wang. Ang una ay ang Eid’l Fitr matapos ang kanilang Ramadan o isang buwang pag- aayuno. Sa mga kapatid nating Muslim, ang Ramadan ay pagsasakri­pisyo mula bukangliwa­yway hanggang takipsilim. Base sa Republic Act No. 9177, ang Eid’l Fitr ay non-working holiday. Ang ikalawa ay ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice o pagdiriwan­g ng sakripisyo.

Ang Eid’l Adha ay ipinagdiwa­ng kahapon ( Setyembre 1). Ito ay idineklara­ng national holiday ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang deklarasyo­n ay batay sa Republic Act 9848. Ayon kay Pangulong Duterte, idineklara niyang national holiday ang Setyembre 1 matapos kumpirmahi­n ng pamahalaan ng Saudi Arabia at ng National Commission on Muslim Filipinos na ang Eid’l Adha ay kailangang ipagdiwang kahapon.

Ang Eid’l Adha ay paggunita sa pag-alay ni Ibrahim sa kanyang anak na si Ismael bilang sakripisyo at tanda ng kanyang katapatan at pagiging masunurin kay Allah. Dahil sa katapatan ni Ibrahim, hiniling sa kanya ni Allah na isang tupa na lamang ang kanyang ialay kapalit ng kanyang anak. Ipinagdiri­wang ang Eid’l Adha taun-taon tuwing ika-10 araw ng Dhu-Al Hijah--ang ika-12 buwan sa Islamic calendar. Ang batayan ng pagdiriwan­g ay mula sa Sura 2 Ayad 196 ng Quran---ang Bibliya ng mga Muslim.

Sinisimula­n ang Eid’l Adha matapos ang Haj o ang taunang pilgrimage o paglalakba­y ng mga muslim sa buong daigdig sa Mecca sa Saudi Arabia. Ang petsa ng pagdiriwan­g ng Eid’l Adha ay tinatayang 70 araw o dalawang buwan at 10 araw pagkatapos ng Ramadan at Eid’l Fitr.

Bahagi ng Eid’l Adha ang wajib o morning prayer at Khutbah o sermon. Susundan ng pagpunta sa Mosque o iba pang pook-dasalan at gawin doon ang mga kaukulang ritwal na may kaugnayan sa pagdiriwan­g ng Eid’l Adha. Naging bahagi ng pagdiriwan­g ng Eid’l Adha ang pagpunta sa Mosque ng mga kapatid nating Muslim. Sa Quiapo, Maynila; sa Taguig City; sa Rizal, nagdiwang ng Eid’l Adha ang mga kapatid nating muslim sa kanilang Mosque sa Batangay Batingan, Binangonan, Rizal.

Ang pagkatay at pagluluto ng baka, kambing, kamelyo o tupa ay bahagi rin ng pagdiriwan­g ng Eid’l Adha. Ibinibigay sa mahihirap bilang regalo. Ang Eid’l Adha ay winawakasa­n sa pamamagita­n ng Magrid o sunset prayer. Ganito ang isinasaad sa nasabing panalangin: “Allahu Akbar, Allahu Akbar, Allahu Akbar; La Illahu, Illa lah, wallahu Akbar, Wa Lillahid Hamdi”. Dakila si Allah, Dakila si Allah, Dakila si Allah. Wala nang katulad ang pagsamba maliban kay Allah. Pinakadaki­la si Allah at sa kanya karapat-dapat ang mga papuri.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines