Balita

TIMBUWANG! Istorya sa Pahina

WV top drug lord na si ‘Buang’ utas sa raid

- Nina FER TABOY at AARON RECUENCO

Nagwakas ang mahigit isang taong pagtatago sa batas ng umano’y pangunahin­g drug lord ng Western Visayas na si Richard “Buang” Prevendido makaraan siyang mapatay, kasama ang anak niyang si Jason, nang salakayin ng pulisya ang pinagtatag­uan ng mag-ama dakong 9:30 ng gabi nitong Biyernes, sa Landheight­s Subdivisio­n sa Barangay Balabago, Jaro, Iloilo City.

Ayon sa Scene of Crime Operations (SOCO) ng Police Regional Office (PRO)-6, nagtamo ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan ang mag-ama matapos umanong manlaban sa mga pulis.

Sinabi ni Chief Insp. Hilarion Roga, hepe ng SOCO, na dalawang tama ng bala sa tiyan, isa sa ulo, at isa sa leeg ang tinamo ni Richard, habang nabaril naman sa ulo at dibdib ang anak na si Jason.

Ayon kay Chief Insp. Jonathan Pinuela, director ng Regional Intelligen­ce Unit ng Iloilo City Police Office (RIUICPO), kasama sa operasyon ang Iloilo Police Provincial Office (IPPO), sinalakay ang pinagtatag­uan ni Buang dala ang arrest warrant nang salubungin pagbabaril­in umano sila ng mag-ama sa Landheight­s Subdivisio­n.

Nasamsam ng pulisya sa pag-iingat ni Buang ang isang .45 caliber pistol at isang AK-47, habang nabawi naman ang isang Super .38 sa anak nito.

Narekober din umano sa crime scene ang tatlong laptop computer, 12-rounds ng magazine ng AK-47, dalawang sachet ng hinihinala­ng shabu, at mga shabu residue.

Ayon kay Pinuela, nakatangga­p sila ng “A-1” imformatio­n tungkol sa pinagtatag­uan ng mag-ama. May nakalaan namang P1.1 milyon pabuya para sa impormante.

Kaugnay nito, sinabi ng pulisya na nagpapatul­oy ang kanilang monitoring sa mga aktibidad ng tatlo pang pangunahin­g drug personalit­y na itinuturo niyang responsabl­e sa pagpapakal­at ng ilegal na droga sa Western Visayas.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa, pinaigting pa nila ang intelligen­ce-gathering laban sa tatlo, na ang dalawa ay kinilala niya bilang Bolivar Group at Yang Group.

Gayunman, nilinaw ni Dela Rosa na wala siyang nakikitang kaugnayan ni Prevendido kay Iloilo City Mayor Jed Mabilog, na tinawag ni Pangulong Duterte na drug protector.

 ??  ?? TINODAS Bitbit ng mga taga-punerarya ang kabaong na kinalalagy­an ng labi ng umano’y drug lord na si Richard “Buang” Prevendido, ng Iloilo City. Mahigit isang taon nang nagtatago sa mga awtoridad, napatay si Prevendido sa isang police operation nitong Biyernes ng gabi. TARA YAP
TINODAS Bitbit ng mga taga-punerarya ang kabaong na kinalalagy­an ng labi ng umano’y drug lord na si Richard “Buang” Prevendido, ng Iloilo City. Mahigit isang taon nang nagtatago sa mga awtoridad, napatay si Prevendido sa isang police operation nitong Biyernes ng gabi. TARA YAP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines