Balita

Duterte: Bakit tayo matatakot sa drug personalit­ies?

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Walang dahilan, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, para matakot siya at ang awtoridad na kumikilos sa kanyang drug war sa mga drug personalit­ies sa kabila ng tila banta sa kanilang buhay.

Ito ay kasunod ng ipinahayag niyang P5 milyong pabuya sa pag- aresto kay Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog na hanggang ngayon ay tinutugis.

Si Ardot Parojinog ay kapatid ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na napatay sa drug raid sa mga bahay ng pamilya Parojinog noong Hulyo. Sangkot umano ang mga Parojinog sa drug trade sa lungsod.

Sa kanyang talumpati para sa ika- 11 anibersary­o ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) nitong Biyernes, ginunita ng Pangulo kung gaano siya nasiraan ng loob nang magpahayag ng takot ang isang hindi pinangalan­ang police official sa Ozamiz City ngayong na- reassign si Police Chief Inspector Jovie Espenido sa Iloilo City.

Si Espenido ang nanguna sa drug raid sa mga bahay ng pamilya Parojinog.

Nitong Lunes, ipinahayag ni Pangulong Duterte ang bagong trabaho ni Espenido bilang hepe ng Iloilo City Police.

“’ Yung isang official-- and I was downhearte­d really to [hear] na ayaw nilang umalis si Espenido. Dahil baka balikan daw sila ni Ardot,” ani Duterte.

“Ito ‘yung hindi ko maintindih­an, kung bakit tayo matakot sa mga inutil na ‘to? Do you know what’s their bargain? Na patayin nila tayo,” dagdag ng Pangulo.

Ayon kay Duterte, alam dapat ng bawat pulitiko, miyembro ng pulis at military na palaging nasa alanganin ang kanilang buhay dahil sa kanilang trabaho.

“Noong pumasok ako pagkaMayor, pulitiko, at nag-Presidente, alam ko papatayin talaga ako nila,” sambit ni Duterte.

“And may I say to them: I welcome it,” dagdag niya.

Ipinaliwan­ag ng Pangulo na ito rin ang dahilan kung bakit siya bumabalik sa Marawi City sa kabila ng mga banta ng proIslamic State (ISIS) Maute group sa kanyang buhay.

“Kaya pagpunta ko sa Marawi, anong sinasabi ko sa inyo? ‘I came here to die.’ Kaya pangtakot nila na mamatay sila. Eh ‘ di sabay tayong mamatay. ‘Yun lang pala ang problema eh,” ani Duterte.

“’Yun lang ang lamang mo? Takutin mo ako mamatay? Hoy. Kaligaya ko na lang, magsabay tayo sa impyerno,” dagdag niya.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi siya natatakot na mamatay basta alam niyang ito ay dahil ginagampan­an niya ang kanyang trabaho.

“’Pag patayin ninyo ako dahil sa trabaho ko, okay lang. But let the world know na pinatay ninyo ako dahil sa trabaho ko. ‘Yan lang hingiin ko sa inyo,” ayon kay Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines