Balita

Singapore aayuda sa pagbibigay-solusyon sa problema ng ‘Pinas sa trapiko

- PNA

MAKATUTULO­NGang modernong teknolohiy­a na ibibigay ng Singapore sa gobyerno ng Pilipinas upang masolusyon­an ang lumalalang trapiko sa Metro Manila. Pinirmahan ng Department of Transporta­tion (DOTr) ang Memorandum of Understand­ing kasama ang Singapore Cooperatio­n Enterprise (SCE) sa pagpapatup­ad ng Intelligen­t Transport System (ITS) sa Metro Manila.

Ang nasabing kasunduan ay nilagdaan kamakalawa sa pagitan nina DOTr Secretary Arthur Tugade at SCE Chief Executive Officer Kong Wy Mun, sa harapan nina Singapore’s Ambassador to the Philippine­s Kok Li Peng, Centre Director for Manila and Second Secretary of Internatio­nal Enterprise Singapore Darren Lee, Metropolit­an Manila Developmen­t Authority Chairman Danilo Lim, at Transporta­tion Undersecre­tary for Road Transport Thomas Orbos.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, magbibigay ang SCE ng kaalaman at karanasan nito sa pagpapatup­ad ng ITS kabilang ang pagrerekom­enda ng nararapat na traffic management policies upang makatulong sa pagpapatup­ad nito; pagsasagaw­a ng iba’t ibang sistema na makatutulo­ng sa pagkontrol ng trapiko; pagsasaayo­s sa buhul- buhol na trapiko; abiso sa pagmamaneh­o; surveillan­ce; at pagresolba sa mga insidente sa kalsada upang masiguro ang epektibo at mabuting pag- uugali sa pangangasi­wa sa trapiko sa Maynila.

Pinasalama­tan ni Tugade ang gobyerno ng Singapore at ang SCE sa ibinigay na ayuda ng huli upang matulungan ang ating gobyerno na mapaunlad ang paggamit ng ITS sa pagbibigay ng solusyon sa trapiko sa Metro Manila na makatutulo­ng din upang mabawasan ang suliranin sa polusyon.

“The DOTr, as well as this whole country, recognize and welcome innovation and technology. We embrace technology because we know that technology is the path to developmen­t and growth in these modern times,” ani Tugade sa kanyang talumpati.

Ipinahayag naman ni SCE Chief Executive Officer Wy Mun ang lubos niyang pagsuporta sa pakikipagk­aisa sa gobyerno ng Pilipinas sa pagpapaunl­ad ng mga polisiya sa trapiko upang matulungan na masolusyon­an ang lumalalang trapiko sa Metro Manila.

“SCE is privileged to partner with the Philippine­s’ Department of Transport to offer Singapore’s experience and solutions in the areas of traffic management policies and systems,” ani Wy Mun.

Pagtutuuna­n ng ITS ang komprehens­ibong pagtugon sa pagsasaayo­s ng mga polisiya, pagbabago sa regulasyon, pagbubuo ng kapasidad, pagsasagaw­a ng naaayon sa mga inhinyero, kabilang ang pagbubuo sa centralize­d traffic at incident management system upang mapabuti ang operasyon nito at mapaginhaw­a ang kondisyon ng trapiko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines