Balita

Saints, wagi sa Heroes sa NCAA All-Stars

-

SINANDIGAN nina Prince Eze ng Perpetual Help at Robert Bolick ng San Beda ang Team Saints kontra Team Heroes, 84-80, nitong Biyernes sa 4th NCAA AllStars sa Filoil Arena sa San Juan City.

Hataw ang 6-9 Nigerian forward na si Eze sa naiskor na 17 puntos at 14 rebounds, habang kumana si Bolick ng krusyal na threepoint­er sa huling tikada ng laro para pawiin ang paghahabol ng karibal at kunin ng Saints – binubuo ng players mula sa Perpetual Help, Letran, San Sebastian, San Beda at St. Benilde—ang panalo.

Tinanghal si Eze na AllStar MVP para matularan ang tagumpay ng kababayan at dating kasangga na si Bright Akhuetie sa nakalipas na taon.

Bago ang All-Star festivitie­s, nagsagawa muna ang NCAA ng libreng basketball clinic sa mga batang Quiapo sa ilalim ng “NCAA Cares” program.

Nauna rito, nakamit ni Lervin Flores ng Arellano ang ‘Slam Dunk’ trophy nang gapiin ang mga karibal na sina Renato Ular ng Letran, at Justin Gutan ng St. Benilde.

Nakamit ni Flores ang perfect 10 sa final dunk nang lundagin niya ang nakahilera­ng si Ular, ang komedyante­ng si Empoy Marquez na isa sa mga hurado, at ang sportscast­er na si Andrei Felix.

“I really prepared hard for my dunks,” sambit ni Flores.

Ginapi naman ni JP Nieles ng Mapua si Unique Naboa ng St. Benilde sa Skills Challenge. Si Nieles ang ikalawang Cardinal na nagwagi ng parangal kasunod ng kasanggang si Shane Menina sa nakalipas na season.

Naging doble ang selebrasyo­n ng Mapua nang magwagi si Almel Orquina kontra Perpetual Help’s Jack Hao sa three-point shootout.

 ??  ?? ‘TILA nawalan ng kilay sa ere si Kelly Williams ng TNT Katropa nang ma-foul sa kanyang pagtatangk­ang makaiskor sa depensa ng Blackwater Elite, sa kanilang laro kamakailan sa PBA Governor’s Cup. Nagwagi ang Katropa, 117-96. RIO DELUVIO
‘TILA nawalan ng kilay sa ere si Kelly Williams ng TNT Katropa nang ma-foul sa kanyang pagtatangk­ang makaiskor sa depensa ng Blackwater Elite, sa kanilang laro kamakailan sa PBA Governor’s Cup. Nagwagi ang Katropa, 117-96. RIO DELUVIO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines