Balita

San Lorenzo, mas masuwerte sa Fatima

-

NAKALUSOT ang Colegio de San Lorenzo laban sa Our Lady of Fatima University, 84-78, sa overtime upang mapanatili ang malinis na kartada sa 2017 MBL Open basketball tournament sa RTU gym sa Mandaluyon­g.

Sumandal ang Blue Griffins kina Jonjon Gabriel at Jan Formento upang biguin ang Phoenix at itala ang ikaapat na dikit na panalo sa Group B.

Si Gabriel ay nagpakitan­g-gilas sa kanyang game-highs na 31 puntos, 16 rebounds at limang blocks para sa CdSL, na naglaro na wala ang African import na si Soulemane Chabi Yo.

Ang layup din ni Gabriel sa huling 19 segundo ang nagdala sa laro sa overtime para sa CdSL, na nagkampeon din sa MBL Open laban sa FEU-NRMF noong Hunyo

Si Formento ay nag-ambag ng 11 puntos kabilang ang back-to-back triples sa simula ng extra period.

“Buo ang loob ng mga players, kahit naging mahigpitan ang labanan,” pahayag ni CdSL Coach Boni Garcia.

Si Chabi Yo ay nagtamo ng sprain ankle sa second quarter ay nagtapos lamang na may tatlong puntos at apat na rebounds para sa CdSL, na sinusuport­ahan din ng Ironcon Builders.

Sa pangalawan­g laro, pinabagsak ng defending champion na St. Clare CollegeCal­oocan ang Lyceum of Subic Bay, 88-73, para sa 4-1 record.

Bumangon ang Saints nina NAASCU President Dr. Jay Adalem at Coach Jino Manansala mula sa maagang pagkabaon at bumawi sa tulong nina Aris Dionisio at Rafael Rebugio.

Sina Dionisio at Rebugio ay kapwa may tig-14 puntos para sa Saints, nanalo sa ikaapat na sunod na pagkakatao­n matapos mabigo sa unang laro sa kamay ng Philippine Christian University. Iskor: (Unang laro) CdSL (84): Gabriel 31, Callano 15, Sablan 14, Formento 11, Roxas 6, Baldevia 4, Yo 3, Borja 0, De la Cruz 0, Laman 0, Vargas 0, Alvarado 0. OLFU (78): Pedrosa 12, Cabrera 10, Datu 9, Diosa 9, Albano 7, Lumbera 6, Sarona 6, Jimenez 6, Bargola 6, Gozum 4, Essomba 3. Quartersco­res: 14-13, 31-25, 52-44, 66all, 84-78. (Ikalawang laro) St. Clare (88): Dionisio 14, Rebugio 14, Pare 10, Palencia 10, Puspus 8, Hallare 8, De Mesa 7, Mendoza 6, Fuentes 5, Rubio 2, Catura 0. LSB (73): Pelaez 14, Saludo 13, Fomera 10, Djilla 9, Castillo 9, Del Rosario 7, Jacaban 3, Santos 2, Paje 2, Alcantsra 2, Sunguad 2, San Luis 0, Macatlang 0, David 0. Quartersco­res: 10-23, 40-42, 68-55, 88- 73.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines