Balita

Floyd-Conor duel, pumatok sa takilya

-

LAS VEGAS (AP) — Itinuturin­g na ‘circus’ ni dating four-division champion at promoter Oscar Dela Hoya ang nakalipas na duwelo sa pagitan nina UFC champion Conor McGregor at undefeated boxing champion Floyd Mayweather, Jr.—ngunit, pasintabi sa dating Olympian champion.

Pumatok sa takilya ang McGregor-Mayweather fight at sa naitalang 50 milyong parokyano sa pay-per-view, inaasahang malalagpas­an nito ang kinita sa PPV ng laban nina Mayweather at eightdivis­ion world champion Manny Pacquiao sa nakalipas na taon.

Sa inisyal na report ng Showtime PPV nitong Biyernes (Sabado sa Manila) ang laban na pinagwagih­an ni Mayweather via 10th round TKO ay pumalo sa “mid to high” at inaasahang malalagpas­an ang 4.6 na milyon na record ng May-Pac duel. Iginiit ni Showtime chief Stephen Espinoza na mas tataas pa ang return sa pagpasok ng iba pang report.

“It’s a little soon to be predicting a record,” sambit ni Espinoza.”But the record is definitely within reach.”

“I’d absolutely call this a complete success,” aniya.

“This was a fight that had massive expectatio­ns in both the fight itself and the business results. It lived up to those expectatio­ns in every respect.”

Sa halagang US$99.95 kada benta, inaasahang kikita ang PPVng US$450 million sa domestic television. Sa inisyal na pagtataya, kikita si Matweather mula sa PPV ng US$350 million, habang si McGregor ay may US$100 million.

Kung magkakatot­oo ang pagtataya, tangan ni Mayweather ang record bilang tanging fighter na napabilang sa top 4 PPV sa sa kasaysayan ng boxing. Sa laban niya kay De La Hoya noong 2007, nakabenta siya ng 3.4 million pay-perviews, at noong 2014 fight kay Canelo Alvarez ay 2.2 million naman.

 ??  ?? PPV RECORD? Hindi nagkamali ang promoter sa pagtanggap ng boxing fans sa laban nina Mayweather at McGregor.
PPV RECORD? Hindi nagkamali ang promoter sa pagtanggap ng boxing fans sa laban nina Mayweather at McGregor.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines