Balita

Trabaho lang, walang personalan—Irving

-

BOSTON (AP) — Hindi naitago ni Kyrie Irving ang pananabik at kasiyahan nang pormal siyang ipakilala bilang bagong miyembro ng Boston Celtics nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

“It’s about to be crazy, G,” pahayag ni Irving sa kapwa bagitong Celt na si Gordon Hayward.

Nakuha ng Boston ang four-time All-Star sa ‘blockbuste­r tarde’ na kinasangku­tan nina Isaiah Thomas, Jae Crowder, Ante Zizic at dalawang draft picks para sa Cleveland. Nakuha naman si Hayward bilang free agent nitong Hulyo.

Madaling nagkapalag­ayan ng loob sina Hayward at Irving na magkasabay na humarap sa media sa ginanap na jersey presentati­on.

Ngunit, ‘tila multong nagbabalik ang usapin hinggil sa kanyang personal na ‘request’ para mai-trade ng Cavs – ang koponan na nagabayan niya sa tatlong NBA Finals at kaunaunaha­ng NBA title kasama si LeBron James noong 2016.

Inamin ni Irving na sariling kagustuhan ang ma-trade, ngunit hindi umano ang personal na alitan kay James ang dahilan kundi ang kagustuhan na magamit nang todo ang kanyang potensiyal.

Inamin din niya na hindi pa sila nagkakausa­p ni James mula nang maisakatup maisakatup­aran ang trade, ngunit inamin na isa sa pinakamaha­lagang parte ng kanyang career ang nakasama si James na itinuturin­g niyang isa sa ‘basketball greats’.

“Of learning the hard way,” sambit ni Irving. “But we’re all human beings and I think we’ve all been through a few hard times to where it changes the landscape of what you think and what you feel. It was my time to do what was best for me in terms of my intentions. And that’s going after something bigger than myself.”

Iginiit naman ni Hayward na isang pagkakatao­n ang muling makasama ang kanyang college coach sa Butler na si Brad Stevens.

“A lot has changed since we last were together,” sambit ni Hayward.

“I don’t know if I would have imagined 5:45 a.m. workouts at Brownsburg (Indiana) High School, we’d both be sitting here one day. I think both of us have grown.”

 ??  ?? CELTS PRIDE! Ibinida nina Kyrie Irving at Gordon Hayward ang kani-kanilang Celtics jersey.
CELTS PRIDE! Ibinida nina Kyrie Irving at Gordon Hayward ang kani-kanilang Celtics jersey.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines