Balita

PJ Endrinal, rich boy na level-headed

- Ni REGGEE BONOAN

UNAnaming nakita at nakilala si Philip

Joshua ‘PJ’ Endrinal sa burol ni dating Pangulong Corazon Aquino sa La Salle Greenhills Coliseum. May dala-dala siyang DSLR camera dahil hilig niyang magkukuha ng litrato.

Anak si PJ ng top executive ng Dreamscape Entertainm­ent business unit ng ABS-CBN na si Deo T. Endrinal ( DTE) kaya sumagi sa isip namin na baka spoiled brat. Siyempre, nakukuha ang lahat ng gusto.

Mabuti na lang, nakausap namin nang masinsinan si PJ sa 100 Weeks celebratio­n/ presscon ng FPJ’s Ang Probinsyan­o kung hindi’y patuloy kaming magkakamal­i ng akala sa bagets.

Kasi naman sa tuwing nakikita o nasasalubo­ng namin si PJ sa hallway ng ELJ Building, sa sinehan ng Eastwood Mall, at sa iba pang lugar sa Morato area kasama ang mga kaibigan, dedma siya at diretso lang ang tingin.

Pero na-challenge kami sa nag-iisang anak ni Sir Deo kaya talagang nagpa-set kami ng solo interview. Pero ang sabi ni DTE sa amin, ‘Wag na, ikaw talaga. Iba na lang interbyuhi­n mo.’

Sa 100 Weeks celebratio­n ng FPJAP, sinadya naming tiyempuhan habang nag-iisa si PJ.

Ang serye pala ni Coco Martin ang pinakauna niyang teleserye.

“Opo, kasi usually po sa movies ako or guesting lang sa ASAP, guesting lang lahat. Ito po ‘yung pinaka-long term ko,” magalang na sabi ni PJ.

Ginagampan­an niya ang karakter ni Wally na kasa-kasama nina Susan Roces, Yassi Pressman, Malou Crisologo, Marvin Yap at iba pa. Siya ang tagasumbon­g ng mga maling gawain ng grupo ni Mitch Valdez, ang kapitana ng barangay.

Isa sa mga hilig ni PJ ang photograph­y, at sa katunayan ay ipinakita pa ng kanyang ama ang studio niya sa bahay nila sa isang ekslusibon­g subdibisyo­n sa Quezon City.

“Ako po gumagawa ng (publicity photos ng) Wansapanat­aym. Dapat po ako magso-shoot kay Awra pero dahil nagti-taping na rin ako, hindi ko na magampanan ‘yung shoot,” kaswal na kuwento ng binata.

Mahilig umarte si PJ, kaya marami-rami na rin ang mga pelikulang nasamahan niya, tulad ng A Moment In Time (2012) nina Julia Montes at Coco Martin, Just The 3 of Us (2016) nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, Luck at First Sight (2017) nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales, Finally Found Someone (2017) nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo at short film

na Ang Tangke (2010) kasama sina Anna Luna at Timothy Castillo na idinirihe ni Gino Santos.

“Actually, unang pasok ko po, pagsasayaw, pero in general po performing arts siguro kasama na roon ang acting at thankful naman ako nabigyan ako ng chance na magkaroon ng teleserye. Recently nga po napasama ako sa Finally Found Someone.

“Ang dream ko po talaga, maging sikat na photograph­er. Ang hirap nga po kasi sinasabing isa kang jack of all trades, pero kung saan po ako nagiging masaya doon ako. Ngayon po nag-i-enjoy ako sobrang mag-taping kasi isang masayang pamilya po kami sa set (ng Probinsyan­o),” kuwento ng aktor.

Naging associate producer si PJ ng Wansapanat­aym.

“Opo, part po ako, ano po... sa editing. Usually po nasa editing lang ako, hindi ako pumupunta sa set,” sabi ng binata.

Diretsong tanong namin kay PJ, kaya ba siya napasok sa production dahil big boss ang kanyang sa ama ng Dreamscape? Ito rin kasi ang nasa isip ng iba.

“To be honest po, noon siyempre ayaw niya talaga akong mag-on the camera. Pero ngayon, parang naisip niya raw na, ‘Sige why not, na-build up mo na rin ang confidence mo’. So, hayun. Siguro po ang takot lang niya na as any parent ay ‘yung bashers, haters, mga makakakita sa akin,” pag-amin ni PJ.

Bakit naman siya iba-bash, wala naman siyang kaaway o inaaway?

“Eh, aminin po natin, malaki ako (chubby),” mabilis niyang sagot.

‘Aysus,’ sabi namin, ‘ang cute mo nga, eh.’ Totoo namang cute si PJ, parang baby na masarap kurut-kurutin o i-hug.

“Sabi nga po ni Coco sa akin, ‘wag kang maano (ma-conscious) diyan, kaya ka nga kinuha (para sa Probinsyan­o) kasi malaki ka. Kasi konti na lang kayong ganyan,” kuwento ni PJ.

Kasi nga halos lahat ng aktor, baguhan man o datihan, wala nang ginawa kundi magpatubo ng muscles o magpaganda ng katawan, kaya ang ending lahat gustong maging leading man o nata-typecast sa boy-next-door roles. At sa nakikita namin kay PJ, komedyante ang karakter niya.

“’Yun nga po sabi, ‘yung cuteness ko raw, siguro roon ako bagay bilang kapatid na ano, kaibigang ano, kasi sa akin mas maraming trabaho ‘yung ganu’n. Malaki ang parte ng isang support sa isang leading man, leading woman,” esplika ng cute na aktor.

Ano pa ang karakter na gustong gampanan niya?

“Ito na po, wala na akong asinta sa mga ganyan na bigyan ka ng role, okay na po ito sa akin,” sagot ng binata.

Hindi pinapangar­ap ni PJ na maging bida, mas type niya ang supporting roles.

Sino pa ang gusto niyang makatrabah­o bukod kay Coco Martin?

“Sa generation po kasi ngayon parang naabot ko nang makatrabah­o sina John Lloyd, Sarah; sa TV naman si Coco. As of now po wala akong maisip. Ayoko pong maka-offend ng ibang tao, pero siguro sina Gerald ( Anderson) or sa veteran si Ms. Gloria Romero at kasama po siya sa Ang Panday (pelikula nila ni Coco),” pahayag ni PJ.

Kaliwa’t kanan ang projects ni PJ, solo ba niya ito o kulang pa at may allowance pa ba siya mula sa daddy niya?

“Oo naman po, sa akin naman po talaga napupunta, since naman po nag-graduate ako ng college (2012), never na po ako binigyan ng pera ni Daddy. Okay sa akin po kasi sabi niya para matuto akong maging independen­t,” pagtatapat ng binata.

So, sa wakas, klaro na sa amin na hindi naman pala siya spoiled brat.

“Oo nga po, akala ng iba spoiled akong bata. Ang hingi ko na lang po kay Daddy, kapag nag-travel kami, parang pa-shopping, pangkain, ganu’n lang po. Hindi po ako humihingi ng daily allowance,” kuwento ng binata.

Paano niya nami-maintain ang lifestyle niya na pawang branded ang mga gamit mula ulo hanggang paa.

“Hindi po ako talaga humihingi, galing lang po lahat sa ipon ko, ‘pag nandito po ako sa Pilipinas, magastos ako, pero ‘pag nasa ibang bansa po kuripot ako,” sagot ni PJ.

Madalas na nasa ibang bansa si PJ kasama ang kanyang ama lalo na kapag may shooting ng pelikula at taping ng mga serye, kaya nagtanong kami kung nalibot na niya ang buong mundo.

“Hindi pa naman po. Pangarap ko pong puntahan ang South America at South Africa. Hindi naman kasi gugustuhin ng dad kong pumunta sa South America, gusto ko sana Peru sa Machu Picchu para mag-climb, parang ‘yung ginawa ni Anne Curtis, eh, parang hindi naman magagawang mag-fly ni Dad,” kuwento ni PJ.

Kumusta ang relasyon nilang mag-ama. Mahigpit bang tatay ang boss ng top-rating shows ng Dos?

“Protective father po, mahigpit, alam mong hindi pa tapos ang taping ‘tapos magti-text siya ng, ‘tapos na kayo mag-taping? Ilan pa kayo? Okay, ingat ka pag-uwi,’ mga ganu’n po.

“Hindi siya ‘yung boss talaga, binibigyan niya ako as an artist na parang may pa-elbow which is gusto ko ‘yun kasi ayokong isipin ng tao na may upper ano ako, kasi alam n’yo na (anak ng boss),” pagtatapat ni PJ.

Hindi mahilig gumimik si PJ, naiiba kumpara sa maraming kabataan ngayon.

“To be honest po, Tito of Manila (tawag sa mga homebody), napapagod akong magparty, ‘yung mga ganyan-ganyan,” seryosong sabi ng aktor.

Hirit namin, ‘huy nakita kita rati, nagbibilya­r ka do’n sa may Morato.’

“Ito po ‘yung time na nakahiliga­n kong mag-billiards. Ngayon po may billiard na ako sa bahay kaya hindi na ako lumalabas, sa bahay na lang ako naglalaro,” natawang sabi sa amin. Ano pa hilig niya? “Badminton po, ngayon hindi na rin ako nakakalaro unlike before na every Tuesday and Thursday naglalaro ako nakikita ko pa nga sina Vice ( Ganda), Piolo ( Pascual), Ai Ai ( de las Alas), busy na po, eh.” Target shooting? “Na-try ko na po, masarap din,” pakli niya.

Sino ang crush niya sa showbiz, na inunahan ng sagot ni Awra na nakikinig pala sa interbyuha­n namin, “waley!’ Kaya natawa kami.

“Di ko po iniisip ‘yun, eh. Kasi feeling ko kaibigan lang lahat,” sambit ng bagets.

Pero type na type ni PJ ang beauty ni, “Sarah Lahbati, kaya sobrang tuwa ko nu’ng finallow niya ako sa Instagram, sobrang tuwa ko talaga.”

Bakit si Sarah? Sina Anne o Bea Alonzo, hindi niya crush?

“Iba po kasi ‘yung ganda ni Sarah Lahbati, ewan ko po, iba talaga dating, sophistica­ted talaga, lalo na ngayon ‘yung photo shoot nila ( Richard Gutierrez) kasi engaged na sila, iba talaga,” nakangitin­g sabi pa.

Sa edad na 26, wala pa sa plano ni PJ ang pagkakaroo­n ng anak o bigyan ng apo ang daddy niya.

“Wala po muna, wala pa. Try ko po muna unahin ang career ko para makaipon,” mabilis na sagot ng binata.

Simula nang gabing makatsikah­an namin si PJ Endrinal, ibang-iba na ang tingin namin sa kanya. Hindi pala talaga siya power tripper o spoiled brat, Bossing DMB.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines