Balita

Avril Lavigne, subsob sa paglikha ng ‘perfect’ music

- Cover Media

PINASALAMA­TAN

ni Avril Lavigne ang kanyang mga tagahanga sa kanilang paghihinta­y sa paglabas ng kanyang bagong musika.

Bumaling ang 32-anyos na singer, na matatandaa­ng dinapuan ng Lyme disease, sa social media noong Huwebes para magbigay ng update sa kanyang upcoming release.

“I just want to thank everyone for their patience as I work on putting together this new album. It’s been a long recovery and I want to make sure that this is perfect for you guys,” saad niya. “You only deserve my best effort and that’s what I’m going to deliver! I can’t wait to share the music I’m working on, I promise it’ll be here before you know it.”

Subsob sa pagtatraba­ho si Avril para sa kanyang sixth studio album, nagsimula ang produksiyo­n noong Mayo. Noong Huwebes, nagbahagi siya ng kanyang litrato habang kasama ang musikerong si

Zane Carney sa studio, na may caption na: “Zane and I today recording. Been through a lot together and making music is a part of the #healing.”

Ang Sk8er Boi star ay nasuring may Lyme disease noong 2014 at umiwas sa spotlight simula noon, ngunit paminsan- minsan ay nagbabalik sa Twitter o Instagram para i- update ang fans sa kanyang kalagayan. Ibinunyag niya na sa ipinapalag­ay niya na nakuha niya ang sakit nang makagat siya ng pulgas noong spring ng 2014, sinabi sa People. com ang kanyang health battle: “I could barely eat, and when we went to the pool, I had to leave and go lie in bed. My friends asked, ‘What’s wrong?’ I didn’t know.... I had no idea a bug bite could do this. I was bedridden for five months.”

Hindi lamang si Avril ang sikat na personalid­ad na nagkaroon ng Lyme disease. Sina Alec Baldwin, Ashley Olsen, Yolanda Hadid at mga anak na sina Bella at Anwar, Shania Twain, Ben Stiller at Kelly Osbourne ay dinapuan din ng karamdaman­g ito.

 ?? Avril ??
Avril

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines