Honesty ni Jennifer Lawrence, ipinagmamalaki ng boyfriend
ANGpinakamagandang katangian ni Jennifer Lawrence ay ang kanyang unfailing honesty, ayon sa kanyang boyfriend na si Darren Aronofsky.
Nagkamabutihan ang Hollywood couple nang magbida si Jennifer, 27, sa
Mother!, ang forthcoming psychological horror movie ng 48-anyos na filmmaker.
Nagsalita sa Daily Mail ng Britain, pinuri ni Darren ang katapatan ng aktres, isang katangian na pinaniniwalaan niyang nasa likod ng pagsikat nang husto ng aktres.
“She’s one of the most honest people on the planet,” aniya. “That’s possibly why people really enjoy her public persona, because it is who she is. There’s no baloney going on. If she doesn’t understand or agree with something, she just says it; and it’s over with.”
Gumaganap si Jennifer sa Mother! bilang buntis na housewife na nire-renovate ang kanyang bahay sa isang liblib na lugar. Naging magulo ang buhay nila ng asawa, ginagampanan ni Javier Bardem, nang dumating ang dalawang misteryosong lodger.
Inamin ni Darren na hindi siya sigurado na aakma kay Jennifer ang papel ng isang
vulnerable young woman, dahil kilala ang aktres sa pagganap bilang strong, heroic female characters gaya ni Katniss Everdeen sa The Hunger Games.
“I don’t think she’s ever played a character who’s so on the back foot,” paliwanag niya. “She usually plays these strong, heroic women.”
Pero naglaho ang pag- aalala niya nang magsimula na silang magtrabaho dahil naramdaman niya na humugot ang aktres sa mga kakayahang hindi niya inakalang taglay nito.
Nanatili silang professional habang ginagawa ang Mother!, ngunit nagsimula nang magligawan pagkatapos ng pelikula.
Sa isang panayam sa Vogue magazine, ikinumpara ni Jennifer ang kanyang relasyon sa direktor na mas maganda kaysa mga dati niyang relasyon.
“I’ve been in relationships before where I am just confused. And I’m never confused with him,” aniya.
Ipapalabas ang Mother! sa Venice International Film Festival sa Setyembre 5.