TAMBULISLIS
Ikaanim na labas
“SANAnga totoo, para maranasan din nating magkaroon ng kalaro at kaibigang tambulislis, wika ni Arman. “Naniniwala akong totoo ang kuwento dahil maraming matanda sa ating barangay nagkuwentong naganap sa kanila ang ganitong pangyayari.”
“Kaya gawin pa nating masaya ang paglalaro sa ulan para maakit ang mga tambulislis na lumapit. Masayang paglalaro raw ang ginagawa ng mga nilikhang ito kaya nananatiling bata sa mahabang panahon,” paliwanag ni Arman.
“Tama ka, Arman,” sang-ayon ni Arman. “Dahil sanggol silang lumabas sa tiyan ng ina sa hindi tamang panahon at pagkakataon.”
“Hindi kaya tayo maloko ng ibang nilikha?” Tanong ni Gary.
“Ánong ibig mong sabihin?” Ganting-tanong ni Arman.
“Ibig kong sabihin, baka tiyanak ang makipaglaro sa atin sa halip na tambulislis. Nasabi ko ang bagay na ito dahil magkatulad sila ng pinagmulan, sanggol na naagas, hindi ba?” Paniniyak ni Gary.
“May katuwiran ka, Arman,” sagot ni Gary na matagal na napatitig sa malagong kawayanan. “Baka nga tiyanak ang makipaglaro sa atin sa halip na tambulislis.”
Tulad ni Gary, nakaramdam siya ng takot at pangambang tiyanak ang lumitaw sa malagong kawayanan, sa halip na ang hinihintay nilang nilikhang gusto nilang makalaro sa ulan. Ngunit dahil sa masidhing pagnanais ng dalawang maranasan ang masayang pakikipaglaro sa mga tambulislis, nanatili silang naglalaro sa ulang patuloy na bumubuhos kahit nasisikatan ng araw ang lugar. Dahil, pinatalas nang husto nina Arman at Gary ang pandinig, narinig nila ang matinis na hagikhik na nagmumula sa damuhang hindi kalayuan sa kanilang kinaroroonan.
“Gary, naririnig mo ba ang naririnig ko?” Tanong ni Arman.
“Ano bang naririnig mo?” Gantingtanong ni Gary.
“Mahina at matinis na hagikhik na nagmumula sa damuhang ‘yun,” sagot ni Arman na sinabayan ng turo sa pinagmumulan ng naririnig na ingay.
“Baka ‘yan na ang hinihintay nating nilikha mula sa daigdig ng kababalaghang gusto nating makalaro sa ulan sa ilalim ng bahaghari,” sagot ni Gary. “Kaya lalo nating pasayahin ang paglalaro para tuluyang lumabas sa damuhan ang mga tambulislis!”
“Tama ka,” sagot ni Arman. “’Yun ang dapat nating gawin para lumapit ang mga tambulislis. At kapag nangyari ‘yun, mapapabilang na tayo sa mga masuwerteng taong nakalaro ang mahiwagang nilikha!”
Pilit nilang isinantabi ang naramdamang takot at pangamba. Gusto nilang hindi masayang ang pagkakataon na natitiyak nilang magaganap dahil sa naririnig nilang matinis na hagikhik mula sa malagong damuhan hindi kalayuan sa kanilang kinaroonan.
Dahil sa nabuong balak, kahit patuloy sina Gary at Arman sa masayang paglalaro, paminsan-minsan nilang sinusulyapan ang malagongdamuhan. Hindi sila nabigo sa nais mangyari dahil may nakita silang mga batang maliliit na tila sanggol na dahan-dahang lumilitaw sa malagong damuhang nakangiti at masaya.Dahil sa nakitang kabuuang-anyo ng lumitaw na nilikha mula sa malagong damuhan, tuluyang nawaglit sa isip nina Gary at Arman ang takot at pangambang tiyanak ang lumilikha ng matinis na hagikhik.
“Hindi tiyanak ang may lumilikha ng matinis na hagikhik sa malagong damuhan,” wika ni Gary. “Tambulislis ang may kagagawan, ang hinihintay nating nilikha!”
“Tama ka,” sagot ni Arman. “Tambulislis ang may kagagawan ngmatinis na hagikhik, hindi tiyanak. Sa wakas, natupad na ang pangarap nating makalaro at maging kaibigan ang mga tambulislis sa malagong kawayanan!” Itutuloy...