Balita

DongYan, baliktraba­ho agad pag-uwi

- Ni NORA CALDERON

SAParis, France ang weekend ng mag- anak na Dingdong Dantes , Marian Rivera and their unica hija na si Baby

Zia. September 2, Paris time, um-attend sila sa wedding doon nina Dr. Hayden Kho at Dr. Vicki Belo.

Isa kasi si Baby Zia sa flower girls kasama ang anak ng mga bagong kasal na si Scarlet

Snow. Sina Dingdong at Marian ay dalawa sa endorsers ng Belo Medical Clinic kaya hindi puwedeng hindi sila kabilang sa wedding entourage ng mga ikinasal, tulad din ng iba pang endorsers and friends na dumayo sa Paris.

Pero after the wedding, hindi na puwedeng mag-extand ng stay doon ng mag-anak dahil kailangan na nilang bumalik sa kani-kanilang trabaho. Didiretso si Dingdong ngayong Monday sa taping ng Alyas Robin Hood

2 na mas malalaki raw ang eksenang kukunan na mapapanood na rin agad sa papasok na linggong ito. Sa teaser last Friday, ipinakita na ang characters nina Solenn Heussaff as Iris Lizeralde at si Ruru Madrid bilang si Andres Silang, isa ring vigilante na tulad ni Alyas Robin Hood, pero lihim ang pagkatao at kilala lamang bilang The Marbleman.

Bago pa man sila umalis, nagtaping na si Marian ng Super Ma’am na gaganap siya sa iba’t ibang role dahil may pagkafanta­sy ang bagong teleserye niyang ito at may special power na ibinigay sa kanya. May mga eksena na siyang nakunan kasama sina Ms. Helen

Gamboa, Carmina Villarroel, at Ms. Ai Ai delas Alas in a very special role. Kaya balik-taping na rin si Marian sa Tuesday, September 5. Mula direksiyon ni LA Madridejos, mapapanood na sila sa third week ng buwang kasalukuya­n.

 ??  ??
 ?? Marian ,Zia at Dingdong ??
Marian ,Zia at Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines