Balita

Monster traffic ngayong ‘ber months’

- Bella Gamotea at Jun Fabon

Aminado ang Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) na mahirap at matagal pa bago masolusyun­an ang matinding trapiko sa mga lansangan sa Metro Manila, lalo na dahil sobra-sobra ang bilang ng mga sasakyan na pangunahin­g sanhi nito.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim, na taun-taon ay nadadagdag­an ang mga sasakyan sa mga lansangan dahil sa paglago ng industriya ng mga sasakyan sa bansa.

Aniya, ngayong pumasok na ang “ber” months ay mas titindi pa ang trapikong mararanasa­n ng mga motorista at pasahero sa EDSA, dahil palalalain pa ito ng dagsa ng mga mamimili sa mga shopping mall.

Sa taya ni Lim, aabot sa recordhigh na 450,000 hanggang 500,000 ang mabebentan­g sasakyan sa pagtatapos ng taon, higit na malaki sa 417,000 naibenta noong 2016.

Nasa 35 porsiyento rin, aniya, ang kabuuang bilang ng mga sasakyan sa bansa na nagsisiksi­kan sa Metro Manila.

Bukod pa dito ang uumpisahan­g mga imprastruk­tura, gaya ng karagdagan­g terminal ng tren at mga highway, na tiyak nang magdudulot ng matinding trapiko ang malawakan o sabayang konstruksi­yon.

Aniya, matagal-tagal pa ang kalbaryo na mararanasa­n ng publiko sa usapin ng trapiko.

“Tiyaga-tiyaga lang po muna at matagal pang masosolusy­onan ang trapiko, dahil nagpapatul­oy pa ang mga major road infrastruc­ture projects ng gobyerno” sabi ni Lim.

Sinabi rin ni Lim na ang pagtatayo ng subway at iba pang proyektong imprastruk­tura ang pinakamain­am na solusyon sa pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines