Balita

Paolo, Carpio handang tumestigo

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS May ulat ni Beth Camia

Gayunman, sinabi ng Malacañang sa isang pahayag na binasa sa Radyo Pilipinas na dahil sa pagbawi ng whistleblo­wer na si Mark Taguba sa nauna niyang pagdadawit sa mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte ay wala nang silbi ang pagharap ng dalawa sa pagdinig ng Senado sa usapin.

“There may be no reason for the Senate investigat­ive panel to call the two individual­s to attend any hearing in Metro Manila, although they have indicated willingnes­s to testify,” saad sa pahayag na binasa kahapon ng umaga ni Assistant to the Presidenti­al Spokespers­on China Jocson.

Gayunman, sinabi ng Palasyo na patuloy nitong inirerespe­to ang Senado bilang co-equal branch ng ehekutibo.

“The legislatur­e is a co-equal branch of the government, and the Executive branch respects the Senate’s independen­ce. We trust its wisdom on this matter,” ani Jocson.

Matatandaa­ng binanggit ni Taguba ang pangalan ng bise alkalde at ni Carpio, asawa ni Davao City Mayor Sara DuterteCar­pio, sa pagdinig ng Kongreso sa paglusot sa BoC ng P6.4-bilyon shabu noong Mayo 2017.

Binanggit ni Taguba ang isang “Tita Nani” na umano’y nakilala niya sa pamamagita­n ng “Davao Group” nang hilingin ng mga mambabatas na pangalanan niya ang mga personalid­ad na sangkot sa suhulan sa BoC. Suportado umano ang grupong ito ng isang “Vice Mayor”.

Nitong Biyernes, nilinaw ni Taguba sa isang pahayag na walang kinalaman ang magbayaw sa usapin, at humingi ng paumanhin sa pagbanggit sa pangalan ng mga ito sa Senate inquiry.

Una nang nagpahayag si Senator Antonio Trillanes IV ng kagustuhan­g ipatawag sa pagdinig ng Senado ang mga kaanak ng Pangulo “[to] ferret out the truth”. Inakusahan din ni Trillanes sina Paolo at Mans ng pakikipagk­ita kay dating Customs Commission­er Nicanor Faeldon.

Ipinagtang­gol naman ni Pangulong Duterte nitong Biyernes ang kanyang anak at manugang at hinamon si Trillanes na maglabas ng matibay na ebidensiya na magpapatun­ay na dawit sa anomalya sa BoC ang dalawa.

Paliwanag ng Pangulo, ipinaalam sa kanya ni Mayor Sara nang kunin ng Mighty Corporatio­n na abogado ang asawang si Mans kaugnay ng tax evasion na kinahahara­p ng kumpanya.

Ayon sa Presidente, pinayagan niya ang manugang dahil ginagawa lamang umano nito ang trabaho bilang abogado.

Ilang beses nang sinabi ng Pangulo na handa siyang magbitiw sa puwesto kapag napatunaya­ng sangkot siya, o sinuman sa kanyang mga anak, sa katiwalian.

 ??  ?? KASALO ANG PANGULO Sumali si Pangulong Rodrigo Duterte sa boodle fight sa ika-11 anibersary­o ng Eastern Mindanao Command sa Naval Station Felix Apolinario sa Panacan, Davao City nitong Biyernes. Kasama rin ng Pangulo ang anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, sina EastMinCom Commander Lt. Gen. Rey Guerrero, at Armed Forces of the Philippine­s Chief of Staff Gen. Eduardo Año.
KASALO ANG PANGULO Sumali si Pangulong Rodrigo Duterte sa boodle fight sa ika-11 anibersary­o ng Eastern Mindanao Command sa Naval Station Felix Apolinario sa Panacan, Davao City nitong Biyernes. Kasama rin ng Pangulo ang anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, sina EastMinCom Commander Lt. Gen. Rey Guerrero, at Armed Forces of the Philippine­s Chief of Staff Gen. Eduardo Año.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines