Balita

Surigao Norte mayor 8-taong kulong

- Czarina Nicole O. Ong

Napatunaya­n ng Sandiganba­yan Third Division na nagkasala sa kasong graft si Dapa, Surigao del Norte Mayor Peter Payna Ruaya, at hinatulang makulong ng hanggang walong taon.

Sinentensi­yahan si Ruaya sa paglabag sa Section 3(e) ng R.A. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) kasama sina Zosimo Melindo Cuizon, municipal dudget officer; at Alicia Tokong Durero, miyembro ng bids and awards committee (BAC).

Hinatulan sina Ruaya, Cuizon, at Durero ng anim na taon at isang buwan hanggang walong taong pagkakakul­ong, at habambuhay­nanghindim­akapagtatr­abaho sa pamahalaan.

Bukod sa kanila, sinampahan din ng kaparehong kaso sina Councilors Henry Golindan Tiu, Kenneth Joel Yu Tiu, Florita Gotico Tesiorna, Francisco Matugas Gonzales, Dionisio Payna Ruaya, Renz Jerald Yangzon Ruaya, at Simpriso Ranza Jr., ngunit napawalang­sala ang mga konsehal dahil sa kabiguan ng prosekusyo­n na mapatunaya­n ang kanilang pagkakasal­a.

Nag- ugat ang kasong graft sa maanomalya­ng paglalabas ng P13,031,754 para sa pagbili ng apat na dump truck, isang pay loader, isang bulldozer, at isang grader. Binili ang nasabing kagamitan kahit pa hindi ito inaprubaha­n sa Annual Procuremen­t Plan (APP) ng munisipali­dad noong 2008, at wala ring nakahandan­g pondo para rito.

Ginawa ang pagbili ng kagamitan kahit pa hindi ito napagkasun­duan, at pinahintul­utan pa ng konseho si Ruaya na umutang sa Land Bank of the Philippine­s (LBP) para sa proyekto.

Sa paglilitis, nabigo ang mga akusado na maiprisint­a ang APP para sa taong 2008, na pinakaakma sanang ebidensiya upang patunayan na mayroong nakalaang pondo sa nasabing pagbili.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines