Balita

Iregularid­ad sa ‘Yolanda’ rehab pinaiimbes­tigahan

- Ben R. Rosario

BORONGAN, Eastern Samar – Kinondena kahapon ng isang senior administra­tion congressma­n ang multi-milyong pisong iregularid­ad sa pagtatayo ng mga pabahay para sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’, sinabing ang mga bahay ay gawa sa mababang klase ng constructi­on materials.

Daan- daang government­funded housing unit para sa mga biktima ng bagyong Yolanda ang iinspeksiy­unin matapos umanong makipag- ugnayan ng mga contractor sa mga ‘ di kuwalipika­dong sub-contractor, pagsisiwal­at ni Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez.

Ayon kay Benitez, chairman ng House Committee on Housing and Urban Developmen­t, ibinulgar ang anomaly sa isang public hearing na isinagawa ng house panel dito.

“Our people have been victimized twice over. First, by supertypho­on Yolanda and now by crooked contractor­s and their cohorts,” pahayag ni Benitez.

Nagpahayag ng pagkabahal­a si Benitez na maulit ang nasabing anomalya sa iba pang housing and community-building projects para sa mga biktima ng Yolanda.

Sa isang congressio­nal hearing dito, sinabi ni Camilo Salazar, subcontrac­tor, na mababang klase ng materyales ang ginamit sa pagtatayo ng mga bahay sa Balangiga, Eastern Samar.

Sinabi ni Benitez na ayon kay Salazar, kabilang sa mga constructi­on materials na ginamit ay ang mga hindi akmang steel bars at mumurahing semento.

Sinabi rin na ang mga materyales sa bubong ay mababa ang kalidad.

Inamin ni Salazar na siya ay isang subcontrac­tor na kinausap ng isang Juanito Tayag para tumulong sa pagtatayo ng mga bahay sa mga sinalanta ng Yolanda.

Nanawagan si Benitez sa National Housing Authority na imbestigah­an ang iregularid­ad.

“It involves people’s money and the future of Yolanda victims. We need to get to the bottom of all of these,” diin ni Benitez.

Bilang tugon, ipinangako ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na mananagot ang mga may sala.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines