Balita

2 senior citizen, 5 pa kulong sa sugal

- Bella Gamotea

Arestado ang pitong lalaki nang maaktuhang nagsusugal, at dalawa sa mga ito ang nakuhanan ng droga, sa Makati City, kamakalawa at kahapon ng madaling araw.

Kasalukuya­ng nakakulong sa Makati City Police sina Alfredo Crisolo y Alonzo, 52; Ciriaco Flores y Nazareno, 51; Roger Baluyot y Mortifer, 51; at Alfredo Flores y Natarte, 71, pawang ng No. 9119 Sultana, kanto ng Constancia, Barangay Olympia; at si Eduardo Manansala, 60, ng No. 450 JP Rizal Street, Bgy. Olympia ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Southern Police District ( SPD), inaresto ang dalawang grupo ng mga suspek habang nagsusugal sa panulukan ng Sultana at Constancia Sts., Bgy. Olympia, bandang 5:00 ng hapon.

Nagpapatru­lya ang mga pulis nang mamataan ang mga ito na naglalaro ng “tong-its”; tatlo sa gilid ng kalsada at dalawa sa loob ng jeep.

Nakatakdan­g sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Presidenti­al Decree 1602 o AntiGambli­ng.

Samantala, hindi rin nakalusot sa awtoridad sina Michael Fernandez y Tugade, 30, ng No.73-A Ricarte St., Bgy. West Rembo, Makati City at Julio Tapawan y Memeta, 28, ng No. 18 Diego Silang St., Bgy. Ususan, Taguig City.

Sa pagsisiyas­at ni SPO2 Rico Caramat, ng Makati City Police, inaresto ang mga suspek sa Kalayaan Avenue, Bgy. West Rembo, dakong 2:30 ng madaling araw.

Nagpapatru­lya, sakay sa trimobile, si PO2 Dillary Sanchez kasama ang Bantay Bayan ng naturang barangay nang mamataan ang dalawa na abala sa pagsusugal ng dice.

Bukod sa dice at P70 pusta, nakuha rin sa mga suspek ang dalawang pakete ng hinihinala­ng shabu, isang pirasong aluminum foil at disposable lighter.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Sections 11 at 12 ng Article II, Republic Act 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines