Balita

Kelot nilamog at sinaksak, umawat sinaksak din

- Mary Ann Santiago

Sugatan ang dalawang lalaki makaraang pagsasaksa­kin ng dalawang armado sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nagpapagal­ing sa ospital sina Jhunar Sarmiento, 22, ng 2600 E. Jesus Street, at Reynald Lizada, 34, ng 2539 Beata St., Pandacan.

Arestado naman ang isa sa mga suspek na si Eric Estrada, 33, ng 2564 Floresca St., Pandacan. Pinaghahan­ap na ng awtoridad ang kapwa niya suspek na si Mark Anthony Benson, alyas Mac-mac.

Sa ulat na ipinaratin­g sa tanggapan ni Manila Police District ( MPD)- Station 10 commander, Police Supt. Rolando Gonzales, naganap ang krimen sa Beata St., dakong 11:00 ng gabi.

Una rito, bumili ng sigarilyo si Sarmiento nang sundan siya ng mga suspek habang papauwi.

Makalipas ang ilang sandali ay bigla na lang umanong sinuntok ni Benson si Sarmiento sa mukha at pinagtulun­gan na siyang bugbugin ng dalawa.

Sinubukan umanong tumakbo ni Sarmiento para tumakas ngunit bigla siyang sinaksak ni Estrada sa kaliwang pigi.

Nakita umano ni Lizada na muling sasaksakin ni Estrada si Sarmiento kaya pinigilan niya ito, ngunit siya naman ang pinagbalin­gan ni Estrada at sinaksak sa dibdib at sinabing, “Aawat ka pa ah!”

Sa puntong ito, sumaklolo na ang ilang tambay at kumaripas palayo ang mga suspek.

Nadakma si Estrada sa followup operation.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines